thing apaunlad (Mungkahing Oras: 80 minuto) Gawain sa pagkatuto Bilang 1: Iguhit ang masayang mukha( ) kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at malungkot na mukha ( ) kung hindi wasto.
1. Malimit na pagkain ng mga junk foods sa halip na gulay.
2. Tinitiyak na maayos, ligtas at malinis ang lugar na pagsasagawaan ng pisikal na gawain.
3.Nakikipaglaro ng taguan kahit na masama ang pakiramdan
. 4. Nagsasagawa ng warm up exercises bago maglaro ng anumang isports. 5. Nagsusuot ng bagong kasuotan bago magsimula ng gawaing pisikal.
pasagot Po
Answers & Comments
Sagot:
1. :( (Malungkot na mukha)
2. :) (Masayang mukha)
3. :( (Malungkot na mukha)
4. :) (Masayang mukha)
5. :( (Malungkot na mukha)
Paliwanag:
1. Malungkot na mukha ito dahil nakakasama ang malimit na pagkain ng junk food, dapat yung malimit na kinakain ay yung gulay para maging malusog ang katawan.
2. Masayang mukha ito dahil dapat talagang tinitiyak na malinis yung lugar na pagsasagawaan ng pisikal na gawain upang makaiwas sa ano mang posibleng impeksyon o sakit na dadapo sayo dahil sa mikrobyo o bakterya
3. Malungkot na mukha ito dahil hindi naman tagala mabuti ang makikipaglaro ng taguan kahit masama ang pakiramdam, ang dapat na gagawin kung masama ang pakiramdam ay dapat na magpahinga muna, kumain ng masustansiyang pagkain at uminom ng gamot.
4. Masayang mukha ito dahil nararapat naman talaga na gumawa muna ng warm up exercises bago maglaro ng isports upang ang katawan natin ay handa sa kahit anong aktibidad at makakatulong din ito na mabawasan ang sakit ng kalamnan at mabawasan ang iyong panganib na mapinsala.
5. Malungkot na mukha ito dahil hindi naman kailangang magsuot ng bagong kasuotan para sa pag-eehersisyo pwede namang luma pero malinis at desente o simpleng damit na pang-eehersisyo para sa gawaing pisikal.