SUTN Unawain at pagnilayan ang mga sumusunod na babasahin. Magkaroon ng masayang pag-aaral at ikintal sa isip at puso ang mga hatid na mensahe. Simulan na at kayang kaya mo yan! Nakakalungkot isipin na marami sa atin ang sa unang pagsubok pa lamang ay sumusuko na. Dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili. Dahil sa kawalan ng kumpiyansya sa sarili ay maraming pagkakataon o oportunidad ang pinalalampas ng marami. Dahil dito, natutuon ang ating pansin sa ating mga kahinaan at hindi sa ating mga talento at kakayahan. Kung hindi natin kilala ang ating sarili, aasa na lamang tayo sa sinasabi ng iba at sila ang magdidikta sa ating mga kakayahan at limitasyon. Kung nasisiyahan sila sa ating ikinikilos pupurihin nila tayo, kung hindi naman ay maaaring bansagan tayong mahina o walang alam. Kung hindi natin kilala o ang ating sarili, wala tayong magagawa kundi tanggapin na lamang ang kanilang mga tawag o bansag. Mahalaga na magkaroon tayo ng tiwala sa ating sarili. Mula sa sinulat ni CT Sarigumba, na nagsasabi na napakarami na sa ngayon ang mga kakompetensiya ng mga estudyante, talagang hindi maiiwasang mag- alangan sila sa kanilang kakayahan. Pero sabihin mang maraming kakompetensiya o may mas magaling sa isang estudyante, mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ng kahit na sino. Kaya naman nagbigay siya ng ilang simpleng paraan upang magkaroon ng tiwala sa sarili:
1. Kilalanin ang sarili at alamin ang kakayahan Unang-unang kailangan nating gawin ay ang kilalanin ang ating sarili at alamin ang hangganan ng ating kakayahan. Marami sa atin ang nag-aalangan na gawin ang isang bagay sa takot na hindi magawa ng maayos. Natatakot sa sasabihin ng iba kapag nagkamali. Huwag nating pansinin ang sasabihin ng iba. Bagkus ang bigyan pansin ay alamin ang kakayahan at pagyamanin pa ito.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.