Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon.Tukuyin kung ano ang pasya na dapat isaalang-alang Mula sa hakbang na isinulat ni Amy Morin.

pamimilian:
A.Alamin o kilalanin ang suliranin na gagawan ng pasya

B. Pag-aralang mabuti ang magiging sanhi at bunga ng gagawing pagpapasya

C. Gumawa ng plano para sa gagawing pagpapasya.

__1. Nais ni Carlo na bumili ng bagong cellphone kahit maayos at nagagamit pa niya ang luma niyang cellphone dahil ayaw niyang magpahuli sa uso.

__2. Maraming takdang-aralin na gagawin si Liza sa araw na iyon at hindi niya alam ano ang uunahin. Ano ang dapat niyang gawin?

__3. Gusto ni Sandra na matapos na ang pagsasagot niya sa modules sa kabila na siya ay nakakaramdam na ng pagod at gutom. Matatapos niya kaya ito nang maayos sa kabila ng kanyang nararamdaman?

__4. Malapit na ang final exam ni Leo, kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang uunahin na aaralin. Ano ang maipapayo natin kay Leo?

__5.Tapos ng kumain ng tanghalian si Angela, nakita niya ang kanyang nakababatang kapatid na sinusulatan ang sinagutan niyang papel sa modules. Ano ang sa tingin mo na dapat gawin ni Angela sa sitwasyon na ito?

__6. Malapit na ang Pasko at excited si Marco na buksan na ang kanyang alkansiya para sa kanyang mga bibilhin. Ano ang dapat niyang gawin upang magamit niya ang perang naipon sa mas kapaki-pakinabang na bagay?

__7. Sabik na si Lita na makita ang kanyang lola na nawalay sa kanya sanhi ng matagal na lockdown. Gusto niya itong puntahan ngunit hindi pa siya maaaring lumabas dahil sa kanyang murang edad. Ano ang maaari mong maipayo sa kanya upang mabalanse niya ang gagawin niyang pagpapasya?

__8. Nakita ni Amaya si Juanito na kumokopya ng sagot sa kanyang katabi sa kanilang pagsusulit. Matalik niyang kaibigan ito at ayaw niyang masira ang kanilang pagkakaibigan kung isusumbong niya ito sa guro. Ano ang tamang pasya na dapat gawin ni Amaya sa sitwasyon na ito?

__9. Nagkayayaan ang magkakapatid na sina Zandro, Alora at Nico na ipagluto ng masarap na pagkain ang kanilang ina na galing sa trabaho. Nagtatalo-talo ang tatlo sa kung anong ulam ang kanilang iliuluto. Sa ganitong sitwasyon ano ang iyong maipapayo sa magkakapatid upang magawa nila ang kanilang nais?

__10. Malapit na ang botohan ng mga class officers sa inyong klase. May napili ka ng kandidato para dito, ngunit sinabihan ka ng iyong kaibigan kung sino-sino ang dapat mong iboto. Ano ang iyong gagawin sa sitwasyon na ito?​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.