Subukin
PAUNANG PAGTATAYA
Gawain 1: Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino
batay sa layunin, gamit, metodo at etika ng pananaliksik. Isulat sa iyong
sagutang papel kung LAYUNIN, GAMIT, METODO at ETIKA ang mga ilang
bahagi ng pananaliksik
1. Ginamit sa pananaliksik na ito ang deskriptibo at kuwasi-
eksperimental na uri ng pananaliksik.
2. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang
balidasyon na isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikalawang baitang.
3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
4. Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang Correlation Studies kung
saan ikokompara ang dalawang baryabols para malaman kung mayroong
positibo o negatibong epekto ang isa sa isa
5. Ang gamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik
na pananaliksik.
6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K-12 batay sa salik
ng layunin at implikasyon.
7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondante
sa pagbibigay ng impormasyon o anumang partisipasyon sa pananaliksik.
8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba't ibang estratehiya sa
pagtuturo ng asignaturang Filipino
9. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
10. Pagkilala sa pinagmulan ng mga ideya sa pananaliksik.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.