Sinabihan si Ryan ng kanyang guro na siya ang mamumuno sa kanilang grupo sa paggawa ng isang video ad para sa kanyang kaklase. Lingid sa kaniyang kaalaman na may iba na palang napili ang kaniyang guro na gumawa ng nasabing video ad. Napahiya si Ryan sa kaniyang mga kaklase at kagrupo. Dapat bang magalit si Ryan sa kaniyang guro dahil pinahiya siya nito? Bakit? Ipaliwanag.
I will delete short and nonsense answers. Salamat sa sasagot.
Answers & Comments
Verified answer
SITWASYON NI RYAN
KASAGUTAN
Hindi kailangang magalit ni Ryan ngunit may karapatan siyang madismaya, sapagkat binigyan ng Guro si Ryan ng dahilan upang makaramdam ng saya at tiwala na kalaunan ay maglalaho lang din naman pala.
May ilang dahilan kung bakit hindi niya kailangang magalit:
» Una, hindi dapat siya magalit, sapagkat ang lahat ay abstrak pa lamang, naka-plano pa lang o wala pang resulta. Ibig sabihin hindi pa naman nagagawa ang video ad.
» Pangalawa, dahil wala pa namang resulta, maaari niyang kausapin ang guro kung bakit siya nito inatasan, kung mayroon na pa lang gagawa nang nasabing video ad. Sa ganitong paraan, mareresolba nila ang hindi inaasahang pagkakaintindihan.
» Pangatlo, siya ay estudyante at ang sangkot sa problema ay isang guro, ano pa man ang mangyari, dapat niyang ikonsidera ang posisyon nito at isipin na nagkakamali din ang kanyang guro tulad ng lahat ng tao.
#BrainliestBunch