Sumulat ng isang tula tungkol sa pag-ibig sa iyong kaibigan.
Kailangan ko ng sukat na lalabingdadalawahin at apat na taludtod sa bawat saknong.
Please kailangan ko lang ng idea kahit isang saknong lang isagot nyo okay narin. Mas maganda kapag may tayutay pero okay narin kahit hindi.
Mapopost kasi ako ng duplicate questions, kaya dapat iba iba kayo ng isasagot nyo. Thanks.
Answers & Comments
Answer :
Nasabi na ang totoong kaibigan ay napakahirap hanapin.
Ang mga mananatili kung ang mga oras ay mahirap. Mga totoong kaibigan, ang pangmatagalang uri.
At sa paglalakbay ko sa buhay na ito. Natagpuan kong totoo ito.
Hindi na ako makahanap ng mas mabuting kaibigan.
Kaysa sa natagpuan ko sa iyo.
Explanation:
hope it helps :)
Answer:
Sa dinami-rami ng tao sa mundo
Mahirap makahanap ng kaibigang totoo
Sa walong bilyon na nabubuhay na tao
Saan makakahanap ng tunay na katoto
Marami diyan akala mo ay kaibigang tunay
Nung lumaon malalaman mo may iba palang pakay
Personal na dahilan ang kanyang mithiin
Mag-ingat ka baka ika’y kanya lamang gagamitin.
Meron din naman akala mo’y kakampi
Siya ay kakampi kapag ika’y may katunggali
Pero wag ka sanang minsan ay magkamali
Baka isang araw wala na sa iyong tabi
Mag-ingat din tayo sa mga mapagkunwari
Kapag kaharap ka’y maganda ang sinasabi
Pero kapag nakatalikod ka sa ganitong uri ng tao
Sa likod mo ay kahol ng kahol na parang aso
Anu nga ba sa tingin ko ang tunay na kaibigan
Tingin ko madali lang natin iyan malalaman kaibigan
Tunay na kaibigan, laging nariyan
Sa oras ng ligaya o kalungkutan man.
Siyang kaibigan na hindi kailanman aalis
Magpapahid ng luha, aalisin ang iyong dungis
Sa iyong kahinaan ay sandigan ng lakas
Kasama mo sa problema hanggang ito ay malutas.
Explanation:
@Carry on [email protected]