Si Alexander Graham Bell ay isang Amerikanong may layuning makatulong sa mga
bingi. Sa pagnanais niyang makatulong sa mga bingi, gumawa siya ng maraming
pagsubok tungkol sa kuryente at tunog. Natuklasan niya na ang tunog ay bunga ng
panginginig ng isang bagay. Ang panginginig ng isang bagay ay naililipat sa isang metal
at napapadaloy sa kuryente at muling naibabalik ng kuryente ang panginginig na ito sa
isang metal, na maaaring muling maririnig bilang tunog.
Paulit-ulit na sinubukan ni alexander ang kanyang natuklasan. Sa wakas noong
1876, nakapagpadloy si Alexander ng tawag sa isang kaibigan. Ito na ang simula ng
telepono.
1. Sino ang Amerikanong may layuning makatulong sa mga bingi?
2. Ano ang natuklasan ni Alexander tungkol sa tunog?
3. Anong bagay ang naimbento ni Alexanader mula sa kuryente at tunog?
4. Ano ang paksang pangungusap ng talata?
Answers & Comments
Answer:
1. Alexander Graham Bell
2.Natuklasan niya na ang tunog ay bunga ng
panginginig ng isang bagay. Ang panginginig ng isang bagay ay naililipat sa isang metal
at napapadaloy sa kuryente at muling naibabalik ng kuryente ang panginginig na ito sa
isang metal, na maaaring muling maririnig bilang tunog.
3. Telepono
4. Imbentong Telepono ni Alexander Graham Bell