Ang saging ang tinuturing na kaligayahang prutas. Makatutulong ito upang kayo
ay may ngiti sa inyong mga labi. Ito ang tumutulong sa utak na lumikha ng kemikal na
tinatawag sa serotonin. Pinasasaya ng kemikal na ito ang isang tao. Sumisenyas ito sa
utak upang makadama ang tao ng galak, kapanatagan ng loob, kapayapaan at kawalang
sakit. Ang kawalan ng kemikal na ito ay nagbibigay sa tao ng pakiramdam na malungkot
o magagalitin.
1. Ano ang tinuturing na kaligayahang prutas?
2. Anong kemikal ang inilikha sa utak kung kakain ng saging?
3. Ano ang magyayari kung may kawalan ng serotonin ang katawan ng isang tao?
4. Bakit tinuturing itong kaligayahang prutas?
5. Ano ang paksang pangungusap ng talata?
Answers & Comments
Answer:
1.saging
2.serotonin
3.ang kawalan ng kemikal na ito ay nagbibigay sa tao ng pakiramdam na malungkot o magagalitin
4.dahil sa kemikal na nakukuha sa prutas at naglilikha ng pakiramdam ng kaligayahan
5.saging ang prutas ng kaligayahan