Sanayin Natin
Panuto: Tukuyin ang hudyat na ginamit sa ugnayang lohikal sa sa bawat
pangungusap at ang inilahad na layon nito. Gawing batayan sa pagsagot ang
halimbawa sa ibaba.
Halimbawa:
Kung hindi sana matigas ang kaniyang ulo, maganda na sana ang
kanilang pamumuhay ngayon.
Sagot:
Hudyat na ginamit
Kung
Layon
Kondisyon at Bunga
1. Sapagkat maraming naibentang paninda ang aking ama, binilhan niya
kami ng aming matagal nang inaasam na laruang Barbie doll.
2. Kapag puno na ang aking alkansiya ay bibili ako ng cellphone upang
makatulong sa aking pag-aaral.
3. Sa pagtitipid, marami kaming maiipon na pera.
4. Sa pamamagitan ng pagtutulongan ng aming mga kapitbahay ay kaagad
ding naapula ang sunog kina Mang Pablo
5. Sa sandaling makatapos na ako ng pag-aaral ay hahanap kaagad ako ng
trabaho upang makatulong sa aking magulang.
Hudyat na ginamit
1.
2.
3.
4.
5.
Layon
1.
2.
3.
4.
5.
Answers & Comments
Answer:
HUDYAT NA GINAMIT:
1. Sapagkat
2. Kapag
3. Sa
4. Sa pamamagitan
5. Sa sandaling
LAYON:
1. sanhi at bunga
2. Kondisyon ng bunga
3. Paraan at resulta
4. Paraan at layunin
5. Kondisyon at bunga
#CarryOnLearning