Medyo magulo raw ang pinagmulan ng larong piko o hop-scotch. Dati ay tinatawag din itong Scotch-Hoppers. Sinasabing nagmula ito sa Imperyo ng mga Romano.
Ang Piko ay isang popolar na larong pambata sa Pilipinas. Karaniwan itong nilalaro ng mga batang babae at minsan naman mga batang lalake. Nilalaro lamang ito ng mga batang lalake pagnasa murang edad pa sila, pagdating nila ng walo nahihiya na silang sumali.
Kasaysayan
Ang piko o tinatawag na "hopscotch" sa Ingles ay nagmula pa sa panahon ng Imperyo ng mga Romano. Ginagamit ito bilang pagsasanay ng mga tao sa loob ng militarya. Sa panahong iyon, ang mga sundalo ay tatalon ng 100 na talampakan na parang at suot-suot ang kanilang mga kagamitan. Naniniwala sila noon na ang ganitong pagsasanay ay nakakapag-paganda ng katawan, lakas at resistensiya sa mga paa ng mga sundalo. Ang mga batang romano ay inilabas ang ganitong ehersisyo o pagsasanay sa labas ng kampo at ginawan nila ito ng bagong takdaan ng mga puntos.
Naging popolar ang larong ito maging sa ibang bansa. Sa Pransya, tinawag nila itong "Marelles," sa Alemanya naman "Templehupfen," at sa marami pang bansa. Dito sa Pilipinas tinatawag itong Piko.
Answers & Comments
Kasaysayan ng Piko
Piko

nanjan ung sagot :)