Punan ng mga salita ang patlang gamit ang mga salitang nasa kahon upang
makabuo ng isang kaisipan tungkol sa aralin. Isulat ang buong talata at sagot
sa iyong sagutang papel.

Mga Pagpipilian: kakulangan, pangalagaan, kalikasan, kaligtasan, magtanim, kalinisan

Ang 1. _______________ ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito
nanggagaling lahat ng bagay na ating ikinabubuhay. Napagkukunan ng pagkain,
tirahan, gamot at marami pang iba.

Marami ang mga magagandang tanawin na mapapakinabangan para umunlad
ang turismo ng bansa. Ang 2. _____________ ng kaalaman sa pagbibigay halaga
sa kalikasan, pag-abuso, walang disiplina sa pagtatapon ng basura at maling
paraan ng pangingisda ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng di inaasahang mga sakuna. Taon-taon nakakaranas ng matinding pagbaha, pagguho ng lupa
at pagbabago ng klima.

Nararapat lamang na pangalagaan ang mga likas na yaman sapagkat ito’y
pinagkukunan ng mga pangangailangan at dito rin nakasalalay ang 3.
_______________ ng bawat mamamayan. Simulan sa sariling bakuran at sa maliit
na komunidad. Kumilos habang puwede pang isalba ang biyayang bigay sa atin
ng Panginoon.

4. ______________ ng mga puno upang mabawasan ang pagbaha na nagiging
sanhi ng kalbong kabundukan at para mabawasan ang init ng ating mundo o
maiwasan ang “Global Warming”. Iwasan ang paggamit ng dinamita at
pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig upang makaiwas sa pagkamatay ng
mga isda at iba pang yamang tubig.

5. _____________ ang kapaligiran dahil dito nanggagaling ang ating mga
pangangailangan. Ang pagtulong ng bawat mamamayan at iba pang kawani at
ahensya ng pamahalaan ay mas napapadali ang pagsagip sa Inang Kalikasan at
maipagpapatuloy ng susunod na henerasyon ang pangangalaga at pagmamahal
sa kalikasan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.