Questions


November 2021 1 7 Report
Piliin ang kasingkahulugan ng pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. “Ipagtanggol ang karapatan sa mapayapang paraan.”

A. Mapayapang pagtatanggol ay karapatan ng lahat.

B. Ipaglaban ang karapatan na hindi gumagamit ng dahas.

C. Ang lahat ay mayroong karapatan sa mapayapang pagtatanggol.

D. Mapayapang pamamaraan ang mabisang solusyon sa bawat suliranin.


2. “Ang taong mapagmahal sa bayan, hindi hahayaang mapariwara ang bayan.”

A. Ang lahat ay mayroong karapatang magpahayag.

B. Ang taong sumusunod sa batas ay nagmamahal sa bayan.

C. Hindi nagmamahal sa bayan ang hindi sumusunod sa mga batas.

D. Ang pagkamakabansa ay pakikisangkot sa mga usapin ng bayan.


3. “Igalang mo ang karapatan ng iyong kapwa.”

A. Tayo ay mayroong karapatan.

B. Tayo ay nararapat na igalang.

C. Ang paggalang ay karapatan ng iyong kapwa.

D. Ang lahat ay mayroong pantay na karapatan na dapat igalang at sundin.


4. “Ang mga prayle’y mga kawaling yari sa bakal at siya’y isang palayok na yari sa

luwad.”

A. Yari sa metal ang mga prayle.

B. Higit na may halaga ang kawali kaysa sa palayok.

C. Malalakas ang mga prayle at mahihina ang mga Indio.

D. Ang mga kawali ay yari sa bakal at gawa sa putik ang mga palayok.


5. “Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.”

A. Umasa sa himala.

B. Himala ang sagot.

C. Ang tao ay mapaghimala.

D. Kailangang kumilos para sa mga mithiin at ang pagpapala’y makakamit

mula sa pag-ibig ng Diyos.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.