patulong po pls :<
Ang batas ay kautusang ginawa para sa kabutihan ng nakararaming tao. Ang Saligang Batas ng Pilipinas ay batayang batas ng lahat ng batas na umiiral sa ating bansa. Nakasaad dito ang uri ng pamamahala ng pamahalaan sa Pilipinas.
Ang mga batas ay sumasakop sa karapatan, tungkulin at responsibilidad ng mga mamamayan. Ang mga batas na ito ay isinasagawa sa Mababang Kapulungan o Kongreso at Mataas na Kapulungan o Senado. Sumasakop din ito sa lahat ng aspekto sa buhay ng tao upang magkaroon ng kapayapaan, kaayusaan at kaunlaran ang buong bansa. Ang mga kautusan ay mga direktibang nanggagaling sa Pangulo ng bansa, kinatawan o Kongresista, Gobernador, Punong bayan o Alkalde upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga tao.
INTERNATIONAL CLEAN UP DAY
Ginaganap ang International Clean – Up Day tuwing –ika 17 ng Setyembre taon-taon. Sabay–sabay ang mga volunteer sa buong mundo sa paglilinis ng kapaligiran upang maibalik ang kalinisan nito at ang buhay sa karagatan at iba pang anyong tubig. Pitumpu’t isang bahagdan (71%) ng mundo ay binubuo ng katubigan. Patuloy tayong makakakuha ng kabuhayan at pagkain kung ito ay aalagaan at pananatilihing malinis.
Ang mga iba’t-ibang basura tulad ng plastik, sigarlyo, metal, sirang goma, balutan at lalagyan ng mga pagkain ay madalas na itinatapon ng mga tao sa tabi ng dagat at ilog. Ang mga isda at iba pang nabubuhay rito ay makakain ng mga tao. Ang kumpol-kumpol na basura ay magsisilbing harang din sa kanilang malayang paglangoy upang makakakita ng lugar kung saan sila mangingitlog o maghahanap ng pagkain.
3
CLEAN AND GREEN PROJECT
Ang programang ito ay isa sa mga tugon ng Pilipinas sa pandaigdigang programa na Save Mother Earth. Layunin nitong dagdagan ang kaalaman mga Pilipino upang magkaroon ng pagmamalasakit sa ating kapaligiran na nagbibigay sa atin ng maraming biyaya.
Ilan sa mga proyektong inilunsad kaugnay nito ay:
Paglilinis ng kapaligiran, kalsada, kanal at ilog
Pagsasagawa sa mga kapitbahayan ng mga gulayan
Pagtatanim ng punongkahoy
Pagpapalaganap ng mahalagang kaalaman tungkol sa pangangalaga ng kalikasan
Paglahok sa Earth Hour Program
IMMUNIZATION PROGRAM
Ang pangangalaga sa kalusugan ng mga tao ay isa rin sa mga suliranin na tinutugunan ng mga bansa. Sa tulong ng World Health Organization, ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nakikinabang sa ipinamamahagi nitong bakuna. Sa pamamagitan nito, ang mga tao ay nagkakaroon ng proteksyon sa mga sakit na nakahahawa at iba pang sakit tulad ng tigdas, hepatitis, tetanus, polyo at iba pa. Ang mga local na pamahalaan sa Pilipinas ay may kani-kaniyang paraan sa pagsugpo ng mga nakakahawang sakit, pagbabakuna sa mga sanggol at ganundin sa mga magulang na nagbubuntis. Kalakaran sa bawat barangay ang ianunsyo o ipaskil ang schedule ng pagbabakuna.
MGA PROGRAMA SA KALUSUGAN AT NUTRISYON
Isa sa mga suliranin sa kalusugan sa ating bansa ay ang malnutrition. Ang malnutrisyon ay isang kundisyon kung saan ang katawan ay hindi nabibigyan nang angkop at sapat na mga bitamina, at iba pang sustansyang kailangan ng katawan. Sa ating bansa, may mga programang pangkalusugan upang malunasan ang malnutrisyon. Ilan dito ay
Garantisadong Pambansa – tumutugon ito sa kakulangan sa mga bitamina at
sustansya na kailangan ng malusog na katawan.
Salt Iodization Nationwide Act – tumutugon ito sa kakulangan sa iodine na maaaring
maging dahilan ng sakit na goiter.
Food Fortification – hinihikayat nito ang mga kumpanya ng pagkain na magdagdag
ng mga bitamina at sustansya sa pagkaing ipinagbibili
National Supplemented Feeding at Food-for-School – ang mga batang kulang sa
timbang ay binibigyan ng masustansyang pagkain.
PROGRAMANG KALIGTASAN AT PANGKAPAYAPAAN
Mayroon ding programa para sa kapayapaan at kaligtasan na pinaiiral sa bansa.
Natalakay na rin ito sa mga aralin tulad ng Araling Panlipunan. Ilan dito ay ang:
Pagsugpo sa paglaganap ng droga
Mahigpit na pagpapairal ng mga batas trapiko
Pagpapaigting ng programa laban sa kriminalidad
Sagutin ang mga tanong:
1.Ano-ano ang mga proyekto at programa ng bansa na nakakatulong sa pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan, at kapayapaan?
2.Ano-ano ang mga kabutihang maidudulot nito sa mga tao?
3.Ano ang iyong dapat gawin upang maipapatupad ang mga proyekto at programa ng ating bansa?
Answers & Comments
Answer:
1. Ang mga proyekto at programa ng bansa na nakakatulong sa pagpapatupad ng mga batas sa kalinisan, kaligtasan, kalusugan, at kapayapaan ay ang International Clean-up Day, Clean and Green Project, Immunization Program, Garantisadong Pambansa, Salt Iodization Nationwide Act, Food Fortification, National Supplemented Feeding at Food-for-School, Pagsugpo sa paglaganap ng droga, Mahigpit na pagpapairal ng mga batas trapiko, at Pagpapaigting ng programa laban sa kriminalidad .
2. Ang mga proyekto, programa, maging ang mga batas na ito ay makakatulong upang mas mapaigting natin ang kahirapan na lumalaganap sa bansa. Magkakaroon ng solusyon ang bawat isa laban sa problema sa kalusugan dahil ang iba sa atin ay wala ng maikakain. Magiging ligtas ang mamamayan dahil ang kalikasan ay malinis at higit sa lahat, magkakaroon ng pag-asa ang lahat dahil mayroon kapayapaan sa lipunan.
3. Bilang isang mag-aaral, ang pinakamabuti at dapat mong gawin upang ito ay maipatupas sa ating bansa ay suportahan at makilahok sa mga programang kanilang inilulunsad nang sa gayon ay sumunod ang ibang mga kabataan sa mga programa at proyektong ito.
Answer:
1. INTERNATIONAL CLEAN UP DAY
CLEAN AND GREEN PROJECT
IMMUNIZATION PROGRAM
MGA PROGRAMA SA KALUSUGAN AT NUTRISYON
PROGRAMANG KALIGTASAN AT PANGKAPAYAPAAN
2. Mapapanatili ang kaayusan, kalinisan, kaligtasan, kalusugan, at kapayapaan sa nasasakupan.
3. Sumunod sa Batas at makilahok sa mga proyekto o programa ng bansa. Gawin ang mga gampanin bilang isang mamamayan ng ating bansa.
Explanation: