Questions


September 2022 1 2 Report
patulong pls :<

Ang Filipino Hospitality at ang Pagbibigkis ng Pandaigdigang Pagkakaisa
ni: Constancia Paloma

Ang pagkakaroon ng Filipino hospitality ng bawat mamamayan ang makatutulong sa pagbibigkis ng pandaigdigang pagkakaisa ng mundong winawasak ng di-pagkakaunawaan dahil sa kaniya-kaniyang pagsulong ng pansarili nilang kapakanan at hangaring mapalawak ang impluwensiya ng kanilang lahi.
Subalit kaiba ang lahing Pilipino sapagkat sa bawat ngiting pagtanggap sa sinasalubong na dayuhan, tila baga sinasabing, “Kahit anong lahi ka man, saan ka man nanggaling, halinang tumuloy sa aming tahanan.”
Para sa mga Pilipino, iisa ang kahuluhan ng Filipino hospitality- ito ang pagtanggap nang may buong katapatan at kasiyahan sa sinumang yayapak sa ating lupa at bibisita upang makipanirahan sa maikling panahon sa ating bansa.
Isang larawan din ng Filipino hospitality ang matamis na ngiti bilang pagbati sa bagong dating at ang paghahain ng masasarap na pagkain sa mga bisitang dayuhan.
Pagkatapos ng masayang pagtanggap, dadalhin naman natin ang ating mga bisitang dayuhan sa iba’t ibang magagandang lugar sa ating bansa na ating ipinagmamalaki sa buong mundo.
Habang nasa bahay natin ang bisita, sinisikap nating maginhawa ang kanilang pagtulog, kaya’t ibinibibigay natin sa kanila ang pinakamaganda at pinakamaginhawang silid sa ating bahay.

Sa pag-alis ng ating mga bisitang dayuhan, baon na nila ang mga magagandang karanasang inialay sa kanila ng Filipino hospitality, at pagdating nila sa kanilang bansa, buong kaligayahan nilang ipinamamalita ang napakaganda nilang karanasan dahil sa buong pusong pagmamahal at pagmamalasakit ng mga Pilipino.
Sa katagalan, ang malaking bahagi ng buong mundo ay makararanas na ng Filipino hospitality na hindi nagmumula sa mga Pilipino lamang, kundi sa mga dayuhang nakaranas nito.
Dahil sa mga nabanggit, masayang isipin na ang Filipino hospitality ay isa lamang sa magbibigkis sa pandaigdigang pagkakaisa.


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1.Ano ang ugali nating mga Pilipino na maipagmamalaki sa mga bisitang dayuhan?

2.Ano ang kahulugan ng Filipino hospitality?

3.Paano nakakatulong sa ating bansa at daigdig ang ugali nating “Filipino hospitality”?

4.Ano-ano pa ang mga mahahalagang katangian ng mga Pilipino na makakatulong sa pandaigdigang pagkakaisa? Magbigay ng tatlong halimbawa.

5.Bilang isang mag-aaral, paano ka makakatulong upang makamit ang pandaigdigang pagkakaisa?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.