Panuto: Tukuyin kung anong isyu o suliranin ang isinasaad sa mga ibinigay na pag-iingat at pangangalaga sa bawat bilang. Pilin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ito sa iyong kwaderno.
A. Pagkahukot
B. Mga usapin sa pagreregla ng babae
C. Mga isyung pangnutrisyon
D. 'Di kanais-nais na amoy
E. Sexual Harassment
F. Pagkakaroon ng tigyawat
G. Maaga at 'di- inaasahang pagbubuntis H. Pangangalaga ng ngipin at iba pang bahagi ng bibig
I. Pagbabago-bago ng emosyon
1. Sundin at gawin ang kanais nais na pag-uugali sa pagkain.
2. Gumamit ng deodorant o tawas matapos maligo.
3. Huwag matakot magsumbong sa kinauukulan dahil karapatan mong protektahan ang iyong sarili
4. Maligo ng maligamgam na tubig at maglagay ng mainit na sapin (heating pad) sa tiyan habang nakaupo o nakahiga.
5 Humingi ng tawad kung nalaman mong nakasakit ka sa isang tao dahil sa iyong nasabi o nagawa, at ipagpatuloy ang pagkakaroon ng mabuting damdamin 6. Dumalaw sa dentista nang dalawang beses o higit pa sa isang taon.
7. Maghilamos ng mukha araw-araw kung kinakailangan.
8. Ipakilala ang anak o kabataan sa sex education at kung gaano kahalaga na alamin ito.
9.Magpalit ng damit panloob at medyas araw-araw.
10.Huwag basta-bastang pumayag kapag niyaya kang sumama ng taong hindi mo kilala.
Answers & Comments
1. C. Mga isyung pangnutrisyon
2. D. Di kanais-nais na amoy
3. A. Pagkahukot
4. B. Mga usapin sa pagreregla ng babae
5. I. Pagbabago ng emosyon
6. H. Pangangalaga ng ngipin
7. F. Pagkakaroon ng tigyawat
8. G. Maaga at di inaasahang pagbubuntis
9. D. Di kanais-nais na amoy
10. E. Sexual Harassment