Panuto: Kumpletuhin ang sumusunod na mga talata sa ibaba
gamit ang angkop na mga salitang naghahambing na
matatagpuan sa loob ng kahon.
gaya
katulad
higit
Di-lubha
mas hawig
Di-hamak
Di-lubos
magkatulad
Kasing halaga
Lalong mahalaga
Ayon sa alamat, ang isla ng Bohol ay nabuo sa pamamagitan ng isang mahimala o mahiwagang pangyayari na (1)_____________________ng mga kuwento sa iba pang mga lahi at kultura. Halimbawa, ang paglitaw ng tila hugis-pagong na hitsura ng Bohol ay (2) ________________________ ng mga kwento tungkol sa alamat ng Siete Pecados o mga Isla ng Pitong Makasalanan sa pagitan ng Panay at Guimaras gayundin sa pinagmulan ng kuwento tungkol sa kung bakit pulo-pulo ang arkipelago ng Pilipinas.
Kitang-kita sa alamat ang tunggalian ng mabuti at masama na inilalarawan sa karanasan ng dalawang magkapatid na apo ng datu mula sa likod ng mga ulap. Kapansin-pansin na bagamat ipinapakita ang masasamang gawa, (3) _____________________ namang lumulutang ang kabutihan. (4) _________________ ang alamat ng kuwento ng Ibong Adarna, isang kuridong nagsasalaysay tungkol sa kasaysayan ng tatlong
magkakapatid at ang mahiwagang ibon na may awit na nakagagaling ng mga karamdaman at ang alamat ng Bohol. Ngunit (5) ____________________
namang mas nangingibabaw ang kabutihan kaysa kasamaan sa parehong kuwento.
Ang pagkakaroon ng mga nilalang sa pulo ng Bohol ay (6) __________________ sa kuwento ng paglikha sa aklat ng Genesis sa Bibliya bagamat (7) ___________________ na binigyan ng pansin sa kuwento ang mga elemento ng panahon kundi tanging ang kaganapan lamang. (8) _______________ ang naging pagtalakay sa masamang gawa ng masamang anak sa alamat sapagkat (9) _____________________ na pagtuunan ng pansin ang pag-usbong ng kabutihan bilang manipestasyon ng dakilang mga gawa. Ito ay (10) _________________________ kung paano iginagalang ng mga Boholano ang kalikasan at ang mga nilalang na may kaugnayan sa paglikha ng mga bagay na maybuhay sa daigdig.
Answers & Comments
Answer:
Explanation:
#carryonlearning
#staysafe
#praytogod