Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay tumatalakay sa pangangalaga sa sarili sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Mag-ehersisyo sa panahon ng buwanang dalaw ng mga babae.
2. Ugaliin ang paliligo araw-araw upang maiwasan ang body odor.
3. Huwag gumamit ng deodorant o tawas sa mga bahagi ng katawan gaya ng kili-kili o singit upang maiwasan ang pagkakaroon ng mabahong amoy.
4. Magpalit ng malinis na damit bago matulog.
5. Matulog at magpahinga ng may sapat na oras.
6. Ugaliing magsipilyo ng ngipin araw-araw.
7. Kumain ng sapat at masustansyang pagkain. 8. Uminom ng 1 hanggang 5 baso ng tubig araw-araw.
9. Makatutulong sa babae at lalaki ang regular na ehersisyo upang maging aktibo at malakas ang isip at katawan.
10. Nararapat na sundin ang mga tamang gawi sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga upang maging malusog at malinis ang katawan.
Answers & Comments
Answer:
Hope this helps po