Panuto: Basahing mabuti ang sitwasyon upang masagutan ang tsart.
Sitwasyon:
Habang naglalakad si Hener sa Lotus Mall ay nakakita siya ng isang bagong modelo ng cellphone. Matagal na niyang nais magkaroon nito. Nag-ipon na rin siya ng pera galing sa baon na kaniyang tinipid. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito.
Gawain 1: Pagkumpleto sa tsart
Pamamaraan:
Batay sa iyong nabasang sitwasyon, kumpletuhin ang nilalaman ng tsart ukol sa paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyon.
Yugto ng Makataong Pagkilos
Aksyon na gagawin
1. Pagkaunawa sa layunin
Hal. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais makamtan
4. Intensyon ng layunin
5. Masusing Pagsusuri ng paraan
6. Paghuhusga ng paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili
8. Pagpili
9. Utos
10.Paggamit
11.Pangkaisipang kakayahan ng layunin
12.Bunga
Answers & Comments
Answer:
1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na.
2. Nais ng layunin. Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili ito.
3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang magkaroon ng bagong modelo ng cellphone.
4. Intensiyon ng layunin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Alvin na pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera ngunit iniipon niya iyon para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili, bilhin niya ang bagong modelo ng cellphone o hayaang maubos ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kung itinigil na niya ang ideya na bilhin ang cellphone, natatapos na rito ang moral na kilos. Ngunit, kung nag-isip pa siya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa mga kaibigan o barkada, ang moral na kilos ay nagpapatuloy.
5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga nasabing pagpipilian.
6. Paghuhusga sa paraan. Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga, pagbabayad paunti-unti, o pagnanakaw; pagkatapos ay huhusgahan niya ang pinakamabuti sa lahat.
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan.
8. Pagpili. Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan ang kaniyang isip ay nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone.
9. Utos. Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito agad.
10. Paggamit. Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang isinagawang kilos.
11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin. Ngayon ay ikatutuwa niya ang pagtatamo niya ng cellphone.
12. Bunga. Ito ang resulta ng kaniyang pinili.
Explanation:
Need pa ba ng explanation?
Sana makatulong :))