PANUTO. Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel. 1. Ito ay pinakatunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap. a. Pangarap b. Panaginip c. Mithiin d. Pantasya 2. "Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin, ngunit walang tinatanaw na kinabukasan."Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Hellen Keller? a. Mahirap maging isang bulag. b. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin. c. Hindi mabuti ang walang pangarap. d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay. 3. Ano ang panaginip? a. Ang panaginip ay matatapos din kung ikaw ay gigising. b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang natutulog. o. Ang panaginip ay likha ng malikhaing isip. d. Ang panaginip ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng taong nananaginip. 4. Ano ang pagpapantasya? a. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing-isip. b. Ang pagpapantasya ay panaginip ng gising. c. Ang pagpapantasya ay pagtakas sa kabiguan. d. Ang pagpapantasya ay malayo sa katotohanan. 5. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapantasya, ibig sabihin: a. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang proseso. b. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasya. c. Ang lahat ng ating kilos ay naibabatay sa ating kilo-loob. d. Kailangang pag-isipang mabuti ang lahat ng ating gagawing kilos. 6. Karaniwan sa mga mahalagang pagpapasya ang linyang "bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip". Ang ibig sabihin nito ay: a. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasya ang panahon. b. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasya. c. Mahirap talaga ang pagpapasya. d. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasya ay nakabatay sa panahon. 7. Kung mananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ring pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasya. Kailangan mong: a. Pag-aralan muli ang iyong pasya na may kalakip na panalangin at mas ibayong pagsusuri. b. Huwag mag-agam agam dahil hindi ka makakikilos hangga't hindi ka nakapipili.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.