Questions


September 2022 0 1 Report
Panuto: Basahin at unawain ang halimbawa ng pagpapahayag at sagutin ang kasunod na mga tanong. Sino sa atin ang hindi kasama sa karanasan ng bayan? Tiyak at walang pasubali, ang tao'y hindi isang pulo upang mabuhay sa sarili lamang kundi sa piling ng kapwa. Tayo at ang kapwa natin ang mga arkitekto ng ating kapalaran sa ating lipunan. Kung ano tayo'y iyon ang buhay at pakikipamuhay sa iba sa tulong ng sariling pagsisikap, mithiin, pangarap, at ambisyong umunlad at magtagumpay. Sa ganito'y hindi natin matatakasang hindi lumingap at magmahal sa ibang tao sa pamamagitan ng ating damdamin, pag-iisip, at mga nagawa. Ngunit bakit kung minsa'y nawawala ang biyaya ng pagmamahalan? Bakit nangyayari ang lahat ng ito, kung tunay mang tayo'y marunong tumulong at makibahagi sa katuwaan at kalungkutan ng iba? sa Marahil, dahilan ito hindi makatarungang pagbabaha-bahagi ng kabuhayan(ekonomiya) at lisyang kaugalian. Subalit walang bagay na hindi natin maitutuwid, tuwiran at di-tuwiran, sapagkat ang ating demokrasya'y nagtataglay ng kapangyarihan sa pansariling pagwawasto at pagbabago. Datapwat saan dapat magsimula? Maging si Gat Jose Rizal ay naniniwalang hindi dapat magsimula sa ibaba, sa masa, sapagkat magiging marahas at madugo. Maliwanag, sa gayon, na ito'y dapat magsimula sa itaas, sa mga namumuno, sa mga intelektuwal, at sa mga taong nasa dambana ng lingkurang-bayan. Sila ang tagabalangkas at tagaukit ng timon ng gobyerno at tagasunod lamang ang mga mamamayan. (Mula sa akdang "Sa Dambana ng Ating Lingkurang-Bayan" ni Lamberto Ma. Gabriel)​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.