Paano mo isasalaysay ang isang pangyayaring nasaksihan? Magagamit mo ba nang husto ang pang-uri? Patunayan.
Kasagutan:
Opo, dahil maisasalaysay natin ang isang pangyayaring nasaksihan sa pamamagitan ng paglalarawan, magagamit natin ang pang-uri sa paglalarawan ng mga pangyayari. Ang pang-uri ay magagamit natin sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga tauhan, lugar at mga pangyayari.
Karagdagang Impormasyon:
Ang pang-uri o adjectives sa Ingles ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan:
Lantay
Pahambing
Pasukdol
» Ang lantay ay naglalarawan sa isang tao, bagay o hayop lamang. magaling, mabilis, mabagal, etc.
» Ang pahambing ay naglalarawan sa dalawang tao, bagay, o hayop lamang na maaring pinagkukumpara o pinagpapareha. mas mabilis, magsingbilis, mas magaling, etc.
» Ang pasukdol ay naglalarawan sa isang tao, bagay o hayop lamang na ikinukumpara sa lahat. pinakamagaling, pinakamabilis, pinakamabagal, etc.
1. Lantay
Si Joshua ay magaling gumuhit.
Mabilis tumakbo si Dan.
2. Pahambing
Mas magaling gumuhit si Loraine kay Joshua.
Magkasingbilis tumakbo si Fey at Dan.
3. Pasukdol
Si Rein ang pinakamagaling gumuhit sa aming klase.
Answers & Comments
Answer:
Katanungan:
Paano mo isasalaysay ang isang pangyayaring nasaksihan? Magagamit mo ba nang husto ang pang-uri? Patunayan.
Kasagutan:
Karagdagang Impormasyon:
Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan:
1. Lantay
2. Pahambing
3. Pasukdol
====================================