Bilang isang mag-aaral ng iyong paaralang pinapasukan, paano mo ilalarawan ang iyong paaralan?
Kasagutan:
Bilang isang mag-aaral mailalarawan ko ang paaralan na aking pinapasukan sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga guro, kung gaano kaganda ang paaralan at ano ang mga ginagawa ng mga estudyante, mga guro at mga punong guro. Mailalarawan ko lahat ng nasa paaralan sa pamamagitan ng paglalarawan kung ano ang kanilang mga katangian.
Karagdagang Impormasyon:
Ang pang-uri o adjectives sa Ingles ay tumutukoy sa mga salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip.
Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan:
Lantay
Pahambing
Pasukdol
» Ang lantay ay naglalarawan sa isang tao, bagay o hayop lamang. magaling, mabilis, mabagal, etc.
» Ang pahambing ay naglalarawan sa dalawang tao, bagay, o hayop lamang na maaring pinagkukumpara o pinagpapareha. mas mabilis, magsingbilis, mas magaling, etc.
» Ang pasukdol ay naglalarawan sa isang tao, bagay o hayop lamang na ikinukumpara sa lahat. pinakamagaling, pinakamabilis, pinakamabagal, etc.
1. Lantay
Si Joshua ay magaling gumuhit.
Mabilis tumakbo si Dan.
2. Pahambing
Mas magaling gumuhit si Loraine kay Joshua.
Magkasingbilis tumakbo si Fey at Dan.
3. Pasukdol
Si Rein ang pinakamagaling gumuhit sa aming klase.
Answers & Comments
Answer:
Katanungan:
Bilang isang mag-aaral ng iyong paaralang pinapasukan, paano mo ilalarawan ang iyong paaralan?
Kasagutan:
Karagdagang Impormasyon:
Ang pang-uri ay may tatlong kaantasan:
1. Lantay
2. Pahambing
3. Pasukdol
====================================