Ang paggalang sa magulang maging sa kung sino mang mas nakakatanda ay isang palatandaan ng pagiging makatarungang tao. Ang pagsasagawa nito ay nangangahulugan lamang na kinikilala mo bilang isang tao ang karapatan ng mga nakakatanda na sila ay igalang.
Paraan upang maisakatuparan:
Titiyakin ko na igalang ang nakakatanda sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang pang-galang.
Susundin ko ang mga payo ng aking mga magulang lalo nat alam kong para ito sa aking ikabubuti kahit ang ilan sa mga payong iyon ay labag sa aking kalooban.
Pangalawang Palatandaan:
Pag-galang sa batas at sa awtoridad.
Ang paggalang sa batas ay isa sa pinakamahalagang gampanin ng isang mamamayan sa kanilang bansa. Nararapat laman ng igalang ang batas lalo n kung alam natin na ang batas na ipinatutupad ay para sa ikabubuti ng nakararami.
Paraan upang maisakatuparan:
Sikapin sundin at unawain ang mga nakasaan sa mga panukalang batas para na din sa aking proteksyon.
Pagsunod sa mga batas na ipinanukala.
Pangatlong Palatandaan:
Pagbibigay tulong sa mga kapos palad.
Ang pagbibigay tulong sa mga nanganagilangan ay isa ding senyales ng pagiging makatarungang tao. Ito ay dahil nauunawaan mo bilang isang tao ang pangangailangan ng ibang tao na hndi nila kayang mapunan.
Paraan upang maisakatuparan:
Sumali o makilahok sa mga programang naglalayong tumulong sa mga kapos palad.
Magbigay tulong sa mga nangangailangan ng walang pinipiling panahon.
Pangapat na Palatandaan:
Pagkakaroon ng patas na tingin sa lahat mahirap man o mayaman.
Ang pagkakaroon ng patas na pagtingin sa lahat ng tao ano man ang antas nito sa buhay ay isang palatandaan ng pagiging makatarungan dahil hndi mo tintimbang ang kayang maibigay sa iyo ng isang tao bagkos kung ano pa ang iyong maitutulong.
Paraan upang maisakatuparan:
Pagbati sa lahat ng makaksalamuha pati na rin ang paggalang.
Pang-limang Palatandaan:
Pagtupad sa mga pangako at kasunduan.
Ang pagtupad ng pangako ay isang manipestasyon ng pagiging makatarungang tao sa dahilan na sinisigurong mong kung anong binitwan mong salita ay sadyang mong tinutupad.
Paraan upang maisakatuparan:
Pagtupad ng pangako sa itinakdang panahon.
COLUMN 2
Ikaw ba ay naghihintay at napapakilos ng mga palatandaan? Baka dahil dito, ay nag-iisip ka na ng mga paraan o hakbang na gagwin sa pagsasakatupatan ng bawat palatandaan. Totoo na mayroong mga pangyayari na mahalagang hintayin ang palatandaan.
Gaya ng sa isang babaeng malapit ng manganak, mayroong palatandaan na malapit na talaga siyang manganak. Alam niya ang force labor sa true labor. Alam din niyang kailangan na niyang pumunta sa kaniyang doktor kapag pumutok na ang panubigan.
Pero sa lahat ba ng pagkakataon ay mabuti ang sumunod sa mga palatandaan? Malamang na hindi. Marami kasing palatandaan na nabuo dahil lamang sa pala-palagay. Mayroon tayong mga inaasahan, at kapag nakita mo na ang mga hinihingi mong palatandaan, baka isipin mong ito na nga iyon.
Tandaan, ang palatandaan ng isang manganganak na ay isang napatunayang proseso ng buhay. Katulad din ito kapag sumunod o sumuway ka sa mga moral na pamantayan. Yamang ang moralidad ay isang katotohanang prinisipyo ng buhay na likas na sa tao.
Pero hindi nito sinasabi ang napakaraming espisipikong mga magaganap gamit ang mga hinihingi mong palatandaan. Dapat na magkaroon ka ng matibay na patnubay na nakabatay sa mga prinsipyo ng buhay. Bakit hind mo subukang alamin sa Bibliya kung anu-ano ang prinsipo ng buhay na makakatulong sa iyo na tunay na makita ang mga resulta ng mga bagay-bagay.
COLUMN 3
Pagrespeto sa kapwa
Pagtulong sa Kapwa
Tumulong sa mga gawaing bahay
Marahil ang nais mong tanungin ay ano ang mga kaugnayan ng mga pagpapahalaga na huhubog sa iyong sarili.
Malaki ang epekto nito sa iyong pangkalahatang motibo. Ito ang magpapakilos sa iyo na magtuon ng pansin sa mga bagay na higit na mahalaga sa iyo at umiwas sa mga bagay na alam mong walang kabuluhan o makakasama. Ito kasi ang magbibigay sa iyo ng proteksyon mula sa mga problema. Naiiwasan ang karagdagang kabalisahan.
Halimbawa, ang isa na nagpapahalaga sa oras ay tiyak na magpapahalaga din sa maayos na schedule at organisadong mga plano hindi lamang sa araw-araw kundi sa buhay. Ayaw din niya na maging bulagsak s pera dahil alam niyang limitado ang panahon. Kaya pinahahalagan niya ang panahong nagugugol sa hanap-buhay, sa pamilya o sa sarili.
Answers & Comments
Answer:
COLUMN 1
Unang Palatandaan:
Pag-galang sa magulang.

Explanation:
SORRY KUNG MAHABA