Questions


January 2022 1 1 Report
Pagtibayin po natin ang iyong mga hatutunan. Ipabasa sa sinumang kasama sa bahay ang
teksto. Pakinggan itong mabuti at unawain. Pagkatapos, sagutan ang mga gawain sa ibaba.
Ang bagyo ay isang malakas na malakas na ulan na may kasamang matinding hangin na
mabilis na mabilis ang pag-ikot. Tulad ito ng isang napakalaking kono ng sinulid na sadyang
nakapangangamba kung ito ay tatama sa kalupaan. May pagkakatulad ito sa buhawi na
binubuo ng mapanganib na ipui-po. Ngunit mas mapanganib ang bagyo sapagkat ito ay mas
malaki at mas malakas. Umaabot ang ang sukat ng diyametro nito ng ilang daang milya.
samantalang ang diyametro ng buhawi ay ilang dipo lamang. Sa pinakasentro ng bagyo ay
may isang tahimik na bahagi na tinatawag na mata. Sa mata ng bagyo umiikot ang
pinakamatinding hanging kasama ng bagyo.
Tinatawag naman ng mga Tagalog na siyam-siyam ang isang tuloy-tuloy na pag-ulan,
samantalanag tinatawag naman ito ng mga weathermen na monsoon rain mula sa Arabic na
mausim na nangangahulugang season. Itinuturing na panahon ng tag-ulan sa Pilipinas ang
buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Halos 20 bagyo ang dumarating sa Pilipinas taon loon.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:
Matapos mong basahin ang ulat ngayon ay sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.
Isulat mo ang iyong sagot sa isang malinis na sagutang papel.

1. Ano ang bagyo?
2. Gamit ang semantic web, ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bagyo at ng
buhawi.
bagyo
buhawi
Pagkaka
tulad?

3. Ano ang pinakasentrong bahagi ng bagyo?

4. Sa iyong palagay, bakit kayo tila sa kaunlaran na teknolohiya at kaalaman ng tao
tungkol sa kalikasan, wala pa rin sa kanya ang kakayahang kontrolin ito?

5. Sa paanong paraan magpaghahandaan ng mga tao ang pinsalang maaring maidulot
ng kalamidad na dumarating?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.