Questions


October 2022 1 1 Report
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin at unawain ang sanaysay.
Pagkatapos
, sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Ang Pakikipagkapwa Tao
Ni Ricardo Carioga
May kasabihang "Madaling maging tao ngunit mahirap ang
magpakatao," Malalim ang kahulugan ng pangungusap na ito.
Ang pagpapakatao ay sumasaklaw sa lahat ng bagay na may
kinalaman sa ating pakikihalubilo sa ting kapwa.
Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao, nakikilala natin ang
katauhan ng isang nilalang. Walang taong mabubuhay na mag-isa
sa mundo. Kailangan nating isaisip na tayo'y nabubuhay sa daigdig
hindi para lamang sa ating sarili. Kailangang sikaping magkaroon
ng mabuting pakikipagpalagayan sa ating kapwa. Iwasan ang
mga bagay na makakasakit sa damdamin kung ibig nating
magkaroon ng maraming kaibigan. Iwasan ang mahahalay na
pananalita
Ang taong palapintas at mapanira sa kapwa ay hindi
kinalulugdan manapa'y nilalayuan. Ang taong mapagbuhat ng
sariling bangko at may hangin sa ulo ay kinayayamutan. Ang
marunong makipagkapwa-tao ay dinadamayan sa anumang
kagipitan at pangangailangan. Hindi siya matitiis na makitang nasa
marawal na kalagayan ng mga taong pinakatunguhan niya nang
mabuti.
Walang mawawala sa atin kung pag-ukulan ng masayang ngiti
at malugod na bati ang ating mga kakilala. Hindi mapipingasan
ang ating pagkatao kung sila'y kakausapin nang walang halong
kopalaluan kahit na may mataas na katungkulan tayong
hinahawakan.
Ang mahusay sa mundo'y talagang ganyan, magbigay at
tumanggap. Hindi maaring tanggap na lamang nang tanggap.
panay na pakabig. Ang wika nga'y ang hindi mautusan ay hindi rin
makapag-uutos. Kung ano ang ating gawin sa ating kapwa ay
ganoon din ang igaganti sa atin ng kapalaran.
Magiging maligaya at tiwasay ang ating pamumuhay kung
alam nating walong nagagalit sa atin. Ang payapang buhay ay
hinahangad ng lahat. Bakit hindi natin ito makakamite Ang lihim ay
ang mabuting pakikipagkapwa-tao. Sa ating sariling mga kamay
nakasalalay ang ating kaligayahang pinapangarap.

1. Ano ang ibig sabihin ng pakikipagkapwa-tao?
2. Sino ang may hangin sa ulo at kinayayamutana
3. Ano ang mararamdaman mo kung mag-isa ka na langsa
mundo
4. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang may karamay
5. Anong kaparehong karanasan ang maiuugnay mo tungkol
sa iyong nabasang teksto?

wag naman po ung thanks sa points.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.