Questions


September 2022 0 5 Report
PAGTATAYA: Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ito ay Anapora o Katapora. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.
1. Siya ay huwarang pinuno ng bayan, sapagkat namuhay si Jesse Robredo nang may katapatan sa sinumpaang serbisyo.
2. Isa sa mga pangunahing pinagkakakitaan ng buwis ng bansa ang turismo dahil ito ay nagbibigay ng napakalaking pera
sa kaban ng bansa.
3. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, pinatunayan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na kaya niyang paunların
ang turismo sa Pilipinas.
4. Ayon sa mga nakaaalam ng takbo ng negosyo sa bansa, bumagsak daw ang turismo sa administrasyong Dela Cruz daha
mahina raw siyang pangulo.
5. Isa siyang ekonomista kaya alam ng Pangulong Arroyo kung paano muling sisigla ang turismo sa Pilipinas.
6. Ito ang pangunahing dahilan ng pagbagsak ng turismo sa bansa kaya ang terorismo ay patuloy na sinusugpo ng
Administrasyong Arroyo.
7. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa
nang pulitiko noon.
8. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga
niya sa mga nangangailangan at kapus-palad
9. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas. Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel
A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula
10. Lubos ang pasasalamatnila, dahil na rin sa patuloy na pagsuporta hindi lamang ng mga taga-Naga gayundin ang
sambayanang Pilipino sa pamilya Robredo.​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.