Pagsasanay 1
Punan ang mga patlang upang mabuod ang talatang nasa ibaba.
1. Ang Kawa-kawa Hill ay
2. Ito ay tinawag na Kawa-kawa dahil
3. Mabubusog ang iyong mga mata sa pag-akyat sa burol na ito dahil
4. Masisilayan mo ang sunset kapag
5. Dapat natin itong mahalin at pangalagaan dahil
Answers & Comments
Answer:
KAWA-KAWA’ HILL SA LIGAO CITY ALBAY BILANG GEOLOGICAL WONDER SA BICOL
written by DWIZ 882
April 20, 2017
kawa
Panandalian mong makakalimutan ang mga mabibigat na pasanin kapag nakatapak ka na sa natural park ng Ligao City, Albay, ang tinatawag na Kawa-Kawa Hill.
Bubusugin ang inyong mga mata ng paikot na mga berdeng tanawin at mula dito ay tila abot-kamay mo na rin ang ganda ng Bulkang Mayon.
Swak na swak rin ang lugar na ito tuwing Semana Santa kung saan dinarayo ito ng mahigit 100,000 deboto dahil tampok sa park na ito ang Stations of the Cross na makikita sa palibot nito kung saan maaaring magnilay-nilay at magdasal.
Ngunit hindi lamang ito para sa mga kababayan nating Katoliko bagkus bukas ito sa iba pang relihiyon at ano pa man ang estado mo sa buhay; mapa-mayaman man o mahirap; may posisyon man sa gobyerno o ordinaryong mamamayan.
Pasok rin ito bilang isang summer destination dahil maaring makapag-bonding dito ang bawat pamilya at mga magbabarkada dahil sa lawak ng lugar.
Paraiso kung maituturing ang natural na ganda ng Kawa-Kawa Hill kaya’t hindi ito pwedeng mawala sa listahan niyo kapag nagawi kayo sa probinsya ng Albay.