Panuto: Basahin ang anekdota. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito
Ang Modyul ni Emry
Si Emry ay nasa ikalawang baitang ngayon. Libangan niya ang
paglalaro sa kaniyang Ipad, pagguhit at panonood ng mga palabas sa
Youtube channel. Dahil sa pandemic, hindi siya makalabas ng bahay.
Masaya siya nang magsimula ang pasukan. Hindi man siya
makapunta sa paaralan, pinakahihintay naman niya ang pagdating ng
modyul. Oktubre 5 nang magsimula ang klase. Hinintay niya ang
pagdating ng kaniyang papa na siyang kumuha ng modyul. Sinalubong
niya ito sa pintuan at agad na kinuha ang envelope na pinaglalagyan
nito. Dali-dali niya itong binuksan at kinuha ang nasa loob
"Papa, Papa, there's a story book inside. Can I read it nou?"
tanong niya. Hindi pa man nakakasagot ang ama nito ay binuklat niya
ito. "But this is not English, how am I suppose to understand this?
malungkot na tanong niya. Ibinalik niya ang modyul sa envelope.
Sumabad ang lola ni Emry, "ayan kasi, pa-Ingles-ingles kayo sa
anak niyo, ngayon paano ang pagsagot niyan?" Nagkatinginan ang mga
magulang ni Emry at nagkatawanan sila. "No problem, Mother, I'll be the
translator, no sweat," sagot ng Papa.
Gesille G. Grande, DepEd, Borongan City Division
Mga tanong:
1. Ano ano ang nakahiligang gawin ni Emry?
2. Bakit kaya masaya siya kahit hindi nakalalabas ng bahay?
3. Paano mo mapatutunayan na interesado si Emry na matuto?
4. Sa iyong palagay, tama kaya ang lola ni Emry sa kaniyang sinabi?
Patunayan ang iyong sagot.
5. Magbigay ng tatlong mahahalagang pangyayari sa anekdotang
nabasa.
Answers & Comments
Answer:
1. Paglalaro sa kanyang iPad, pagguhit, atpanonood ng mga palabas sa YouTube.
2. Siguro dahil kasi sa kahit hindi pwedeng lumabas, nagkaroon pa rin ng pagkakataon ang mga estudyanteng makapag-aral.
3. Dali-dali nyang sinalubong ang kanyang ama upang tignan ang kanyang modyul.
4. Hindi po. Para sa akin, nagmumukhang masama ang kanyang sinabi. Imbis na sabihan nya ang apo na tuturuan nya na lamang ay sinabi nya pa na kasalanan ng kanyang mga magulang ang pag-usap sa kanya ng Ingles.
5. Ang pagkuha ng modyul ni Emry, pag-uusap tungkol sa modyul, at paghintay ng klase noong Oktubre 5.