Questions


August 2022 1 4 Report
Paglinang ng Kabihasaan (Tandaan Mo)
Basahin at unawain ang nakasulat sa ibaba.
Ang kallkasan ay isang napakahalagang biyaya na galing sa ating Poong Maykapal. Dito
nanggagaling ang lahat ng bagay na ating ikanabubuhay, tulad ng pagkain, damit, gamot,
tirahan at iba pa. Mahalagang pag-ingatan at mahalin natin ang ating kalikasan dahil kung
mawawala at masisira ito mawawalan tayo ng mga pagkukunan ng ating mga
pangangailangan sa pang-araw-araw na buhay. Nilikha ito ng Diyos upang magkaroon
tayo ng maganda at masaganang pamumuhay dito sa mundo. Kaya upang
mapakinabangan natin nang maayos dapat natin itong pangalagaan, huwag sisirain at
gamitin nang tama. Ang ilan sa atin ay hindi gaanong alam kung paano pahalagahan ang
mga likas na yaman. Ang pagiging maalaga sa ating kalikasan ay hindi namamana bagkus
ito ay napag-aaralan, kaya nararapat lamang na matutunan natin ang tamang
pangangalaga sa ating kalikasan.
Upang lalo nating maisakatuparan ang pangangalaga sa ating kalikasan, dapat tayong
makipagtulungan at suportahan ang mga ahensya ng pamahalaan na naglalayong
mapaganda, mapanatili ang kaayusan at protektahan ang ating mga likas na yaman
Maraming batas ang ipinapatupad ng ating pamahalaan, ngunit hindi maisasakatuparan
ang mga ito kung hindi tayo makikipagtulungan kailangan ng ating pamahalaan ang
suporta ng taong bayan. Dapat nating sundin ang mga batas na pinaiiral o pinapatupad
ng pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat, ng ating Inang Bayan at ng buong mundo
Kapag napangalagaan natin ang ating kalikasan matitiyak natin na magiging maayos at
kaaya-aya ang ating kapaligiran. Mapapakinabangan ng lahat hindi lamang sa
kasalukuyan pati na rin ng susunod na henerasyon Maisasakatuparan natin ang
pangangalaga sa ating kalikasan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na
Ipinapatupad ng ating pamahalaan. Suportahan natin ang mga programang pang
kalikasan upang sa gayon mananatili ang kaayusan at kagandahan ng ating bansa at ng
buong mundo

Sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.


1 Bakit mahalaga para sa iyo na sundin ang mga batas ukol sa kalikasan?

2 paano makatulong ang batang tulad mo sa pagpapanatili ng likas na yaman?

3 Ano na gawa mo bilang isang mabuting tagasunod ng bansa para sa kalikasan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.