Questions


September 2022 1 4 Report
Panuto: Basahin ang sumusunod na balita. Pansinin kung paano matiyagang nagtrabaho at
nagpakita ng kahusayan at kasipagan sa pagganap ang ilang Pilipino. Sagutin sa inyong sarili
ang katanungan sa bawat balitang ipinahayag.
Kesz Valdez, International Peace Prize Awardee
Si Kesz Valdez ang kauna-unahang taga-Timog Silangang Asya
na tumanggap ng International Children Peace Prize Award noong
2012. Mula sa isang mahirap na pamilya, nakilala niya si Harnin
Manalaysay na nag-alaga at kumupkop sa kaniya matapos siyang
maaksidente at masunog ang kamay.
Ngunit sa halip na panghinaan ng loob, nagsilbi itong inspirasyon
kay Kesz. Unti-unti ay naisakatuparan ni Kesz ang kaniyang mga
pangarap para sa mga katulad niya ring tumira sa lansangan at
dumanas ng hirap.
Nang sumapit ang kaniyang ika-pitong kaarawan, mas pinili niyang
siya ang magbigay. Tinawag niya ang kaniyang proyekto na "Hope
Gifts." Ang laman ng kaniyang mga regalo ay mga gamot at panlinis sa katawan na
makatutulong sa pag-iwas sa mga sakit. Nangako rin si Kesz na ang kaniyang napanalunan
ay ibabahagi niya sa organisasyong kaniyang napili. Muli ay napatunayan na ang pagtulong
sa kapuwa ay kaya ring gawin ng mga batang tulad niya.
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Bakit naging kakaiba sa mga batang kasing-edad niya si Kesz Valdez?
2. Paano mo matutularan ang mga natatanging batang Pilipino katulad ni Kesz Valdez?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.