Paghambingin ang katangian ng mga elemento ng tula sa bawat bilang. (3 puntos sa bawat tamang sagot)
Halimbawa: Korido at Awit - Ang korido ay may sukat na wawaluhin samantalang ang sukat naman ng awit ay lalabindalawahin.
7. Saknong at Taludtod
*
8. Tugma sa Patinig at Tugma sa Katinig
*
9. Wawaluhin at Lalabindalawahin
*
10. Tema at Indayog
*
Answers & Comments
7.) Saknong at Taludtod - Ang saknong ay binubuo ng mga taludtod at ang taludtod naman ay isa sa mga linya sa loob ng isang saknong.
8.) Tugma sa Patinig at Tugma sa Katinig - Ang tugma sa patinig ay nagtutugma sa huling patinig ng mga salita samantalang ang tugma sa katinig ay nagtutugma sa huling katinig ng mga salita.
9.) Wawaluhin at Lalabindalawahin - Ang wawaluhin ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod samantalang ang lalabindalawahin ay binubuo ng labindalawang pantig sa bawat taludtod.
10.) Tema at Indayog - Ang tema ay tumutukoy sa pangunahing paksa o ideya ng tula samantalang ang indayog ay tumutukoy sa ritmo, tono, at tunog na ginagamit sa pagpapahayag ng tula.
[tex]\\\[-Tricia[/tex]