NEED HELP ASAP!!
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Uri ng etika na tumutulong sa tao para mapahalagahan niya ang kaniyang paligid na ginagalawan.
A. Personal na Etika
B. Panlipunang Etika
C. Etikang Pang-negosyo
D. Etikang Pangkonserbasyon
2. Kategorisasyon ng panlipunang etika na tumutukoy sa pangunahing aspekto na nakakabit sa tao simula nang siya ay isilang at karaniwan itong nasusulat sa batas.
A. Epekto
B. Hustisya
C. Karapatan
D. Pagkalinga
3. Tumutukoy ito sa mas nararapat na pagpapa-iral ng pagiging mapangalaga o mapagkalinga kaysa sa pagiging marahas.
A. Epekto
B. Hustisya
C. Karapatan
D. Pagkalinga
4. Ito ay nagmumula sa batas at mga pagpapahalagang panlipunan na kinalakhan ng isang tao. Ito ay karaniwang makikita sa pakikihalubilo natin sa ating pamayanan.
A. Personal na Etika
B. Panlipunang Etika
C. Etikang Pang-negosyo
D. Etikang Pangkonserbasyon
5. Tinatanaw rito ang interes ng nakararami kaysa interes ng iilan. Ibig sabihin, sa pagdedesisyon, mahalagang isaalang-alang ang tinig ng
nakararami kaysa sa benepisyo lamang ng iilang tao.
A. Epekto
B. Hustisya
C. Karapatan
D. Pagkalinga
6. Ito ang pagpapahalagang natatamo ng tao mula sa pamilya, kultura at pananampalatayang mayroon siya.
A. Personal na Etika
B. Panlipunang Etika
C. Etikang Pang-negosyo
D. Etikang Pangkonserbasyon
7.Tumutukoy ito sa pagbibigay ng patas na pagtingin sa dalawa o higit pang magkakaibang bagay, na higit na kinakailangan sa pagdedesisyon.
A. Epekto
B. Hustisya
C. Karapatan
D. Pagkalinga
8.Sistemang kinapapalooban ng pagpapahalagang moral, sosyal at kultural ng isang lipunan.
A. Etika
B. Estilo
C. Nilalaman
D. Organisasyon