May apat na uri ng pangungusap:
1. Pasalaysay- Ito ang pangungusap na nagsasalaysay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa: Ang trabaho ni Nanay ay paglalabada.
2. Patanong - Ito ang pangungusap na nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa: Saan naglalabada ang Nanay mo?
3. Pautos/Pakiusap. Ito ang pangungusap na nag-uutos/nakikiusap. Nagtatapos ito sa tudok ()
Halimbawa: Pakilabhan mo ang aking damit.
4. Padamdam- Ito ang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang
padamdam (1)
Halimbawa: Naku! Mukhang hindi ko matatapos ang aking labahin.
Answers & Comments
salamat sa points hehe