Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko
Di matatawaran ang kahalagahan ng gawaing pansibiko sa isang bansa. Ito ay isang
paraan ng pagtiyak na ang mga mamamayan sa isang lipunan ay tunay na malaya
nagsasarili
, at kontento sa kanilang pamunuan Malaya nilang naipapahayag ang sarili at
nagagawa ang gusto nang di lumalabis sa itinakda ng batas. Nagsasarili sila at kayang
sustentuhan ang sarili at pamilya. Kontento sila sa pamamalakad ng pamahalaan at
sinusuportahan nila ito.
Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng pakikipagkapuwa.
Dahil dito, kakikitaan ang mga tao ng pagmamalasakit sa isa't isa. Nagkukusang-loob silang
mapaglingkuran lalo na ang mahihirap at nakabababa. Kumikilos sila at tumutugon sa
pangangailangan ng iba kahit hindi pagsabihan o walang kumpas ng pamahalaan. May sarili
silang motibo at ito ay ang masidhing pagnanasang makapaglingkod sa kapuwa kahit walang
posisyon at kabayaran
Mahalaga ang kagalingang pansibiko dahil tinitiyak nitong ang bawat mamamayan
ay nabubuhay nang matiwasay at payapa. Higit na mapadadali ang serbisyo publiko kung
ang bawat isa ay handa sa paglilingkod at pagtulong. Mas malawak ang maaabot ng mga
ahensiyang pampamahalaan kung magsasama-sama ang mga institusyong binubuo ng mga
indibidwal na ang motibo ay mapahusay ang kalagayan ng lahat.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Sagutin ang mga sumusunod na tanong
1. Ipaliwanag ang pinagmulan at konsepto ng kagalingang pansibiko.
2. Ano-ano ang sakop ng kagalingang pansibiko?
3. Ano ang kaugnayan ng pakikipagkapuwa-tao sa gawaing pansibiko?
4. Bakit napadadali ang serbisyo publiko kapag natitiyak ang kagalingang pansibiko?
5. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng dalawang antas ng kagalingang pansibiko​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.