Mga Tanong:
1. Mula sa gawain, ano ang masasabi mo sa iyong sarili?
2. Bakit mahalaga na suriin ang mga sumusunod:
A. Mga pagpapahalaga mo sa buhay
B. Mga naging kontribusyon mo sa iyong pamilya, paaralan, pamayanan at
simbahan
C. Mga mithiin sa buhay? Ipaliwanag bawat isa.
3. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyong pagpapasya? Ipaliwanag
Answers & Comments
1. Ang pagkilala sa sarili ay ang pagtuklas sa sarili mong mga kalakasan at kahinaan at sarili mong personalidad.
2.
A.Ang mga pagpapahalaga sa buhay ay mga pansariling salik na malaki ang impluwensya sa ating mga pinipili o sa ating personalidad.
B. Ang layunin at kontribusyon ng paaralan, pamayanan, pamilya at simbahan
Paaralan:
Layunin:
Hubugin ang bawat kabataan ,linangin at tulungan mahasa ang ibat ibang galing ng bawat kabataan.
Kontribusyon:
Mahalaga ang kontribusyon ng paaralan sapagkat sila ang nag huhubog ng isang kabataan na maaring mag angat at magpaunlad sa bansa.
Pamayanan:
Layunin:
Ang mabuo ang pagkakaisa ng bawat isa ang magkaroon ng iisang hangarin para sa ikauunlad ng isang bansa.
Kontribusyon:
Mapaunlad ang isang bansa dahil sa pagkakaroon ng isang hangarin na mapabuti ang kalagayan ng bawat isa.
Pamilya:
Layunin:
Turuan ang kabataan ng mabubuting asal dahil tungkulin ng pamilya na sila ang unang maghubog sa kabataan upang maging isang mabuti at responsableng mamamayan
Kontribusyon:
Malaki ang kontribusyon ng pamilya dahil sakanila ang nagmumula ang isang taong tutulong sa pagpapaunlad ng lipunan kaya naman dapat ang pamilya ay maging responsible sa pagdidisiplina sa bawat miyembro nito.
Simbahan:
Layunin:
Sumunod sa mga utos ng ating iisang diyos na si Cristo at nabubuhay ayon sa kalooban ng panginoon.
Kontribusyon:
Maging isang mabuting tao ang isang mamamayan at dahil dto ay mas napapalapit ang ugnayan ng tao sa diyos.
C.
Kaligayahan:
Dahil ito ang hinahangad ng bawat isa.. ang paghahanap ng kaligayahan ay nangangahulugan din na ang tao ay naghahanap tungkol sa kanyang sarili.
3.Ang pagkakaroon ng mabuting pasya ay nagdudulot ng mabuting bagay o pangyayari, Nakadadagdag ito ng positibong enerhiya sa iba at sila rin ay nagiging masaya kapag nalalaman ang mga epekto kabutihang pasiya.
#hope it helps
#study first
#let's study
#Carry On Learning