Questions


December 2021 1 22 Report
May isang pulubing nakapasok sa kaharian. Dahil siya ay

gutom na gutom na, napilitan siyang nakawin ang pagkain sa may

kusina ng palasyo. Sa malas ay nahuli siya at dinala sa hari. Siya

ayhinatulang pugutan ng ulo.

Bago pugutan ng ulo ang pulubi ay may iniabot siya sa hari

na isang mahiwagang buto. Sinabi niyang ang butong ito ay

tumutubo at namumunga kaagad sa loob ng isang araw kung ang

magtatanim ay isang taong kahit kailan ay hindi kumuha ng bagay

na hindi niya

pag-aari.

Ibinigay niya ang buto sa kanyang ministro upang itanim.

Malaki ang tiwala ng hari sa ministro dahil kahit kailan ay hindi nito

ninakaw ang gintong nasa korona ng kanyang ama noong siya ay

prinsipe pa lamang. Tumanggi ang ministro at inamin niyang minsan

na niyang kinuha ang espada ng kanyang kaibigan ng walang

paalam. Ipinasa niya ito sa ingat-yaman ng palasyo ngunit

tumanggi rin ito. Inamin niyang minsan ay kinupitan na niya ang

pondo ng kaharian. Sa kabila ng mga pagtatapat nito ay

pinatawad sila ng hari. Naiyak ang pulubi at tinanong ang hari,

“Bakit hindi sila pinarusahan kahit na malaking bagay ang kanilang

mga kinuha? Pagkain lang naman ang aking ninakaw,ngunit

papupugutan ninyo ako ng ulo? Hindi nakakibo ang hari at hindi na

rin nito pinapugutan ang pulubi.


1. Ano ang pamagat ng binasang teksto?

________________________________________________________________

2. Sinu- sino ang mga tauhan?

________________________________________________________________

3. Ibigay ang katangian ng Hari.

________________________________________________________________

4. Ibigay ang katangian ng pulubi.

________________________________________________________________

5. Ibigay ang katangian ng ministro.

________________________________________________________________

6. Ibigay ang katangian ng ingat-yaman.

________________________________________________________________

7. Ibigay ang tagpuan.

________________________________________________________________

8. Sino sa mga tauhan ang nagustuhan nyo? Bakit?

________________________________________________________________

9. Kung ikaw ang hari, anong parusa ang ipapataw mo sa mga

tauhan nyang hindi naging tapat sa kanya?

________________________________________________________________

10. Anong aral ang natutunan ninyo sa binasang teksto?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.