Panuto: Basahin ang tekstong “Ang Mag-Inang Gamo-Gamo
“at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
Ang Mag-Inang Gamo-Gamo
Gustong-gusto ng mga gamo-gamo ang liwanag ng apoy
sa ilawan. Isang araw, nag-iisa ang batang gamo-gamo. Nakita
niya ang liwanag ng apoy sa ilawan. Nilapitan niya ito.
Nakalimutan niya ang bilin ng inang gamo-gamo, na huwag
lalapit sa apoy. Nabighani siya sa liwanag ng apoy sa ilawan at
nadama niya ang init nito. Mas lalo pa siyang lumapit sa apoy at
bigla na lang napaso ang kanyang pakpak. Buti na lang at
dumating si inang gamo-gamo at nailigtas siya sa panganib. Mula
noon, hindi na lumalapit sa apoy ang batang gamo-gamo.
1. Ano ang pamagat ng binasang teksto?
________________________________________________________________
2 - 3. Isa-isahin ang mga tauhan.
________________________________________________________________
4 - 5. Ibigay ang bawat katangian ng tauhan
________________________________________________________________
6. Saan ang tagpuan?
________________________________________________________________
7 - 8. Kung ikaw si batang gamo-gamo, ano ang gagawin mo?
Bakit?
________________________________________________________________
9. Anong aral ang natutuhan mo?
________________________________________________________________
10.Anong maipapayo mo sa isang batang katulad mo?
________________________________________________________________
Answers & Comments
Answer:
2 - 3 BATANG GAMO-GAMO,INANG GAMO GAMO
4-5 ANG BATANG GAMO-GAMO AY MAKAKALIMUTIN,ANG NANAY AY MASIPAG
6.LIWANAG NG APOY
7-8 SUSUNDIN KO ANG AKING INA,DAHIL ITO ANG NAKAKABUTI
9.MAKINIG NG MABUTI SA INA
10.SUNDIN ANG SINASABI NG NANAY
EXPLANATION:
#CarryOnLearning
HopeItsHelp