Questions


October 2022 1 2 Report
Mahal kong Talaarawan,
25, Hulyo 2020
Sabado
Medyo tinanghali akong gumising ngayong araw dahil napagod ako sa pagtulong sa aking inay sa pagtatanim at pagdidilig ng mga halaman kahapon. Ngayong pandemic mabenta ang aming mga iba’t-ibang halaman lalo na ang mga caladiums, calatheas, aglaonemas, ferns, roses, at philodendrons. Malaki ang naitutulong ng mga ito sa amin lalo na ngayong pandemic. Presko at nakagaganda sa paligid, stress-free, at air purifier pa. Nakalilibang na kumikitang kabuhayan pa.
26 Hulyo 2020
Linggo
Gumising ako bandang 6:30 ng umaga ngayong Linggo dahil magsisimba kaming mag-anak sa virtual mass. Naghanda at nagbihis na kami dahil mag- uumpisa ito ng ika-walo ng umaga. Ini-on na ni itay ang aming malaking tv. Umupo na kami sa sofa at nanood, at nakinig ng misa sa tv. Sana matapos na itong pandemic at maging ligtas ang lahat.
Nagmamahal,
Dale
Sariling Katha: Judith M. Obera







1. Ano-ano ang mga mabentang halaman nina Dale?
A. roses, ferns, baby’s wreath
B. rosal, caladiums, ferns, roses
C. caladiums, calatheas, aglao, roses
D. orchids, sampaguita, rosal, daisies
2. Sino ang kasama ni Dale sa pagsimba?
A. kaniyang pamilya
B. mga kaibigan at tiyuhin
C. mga tiyuhin, lolo at lola
D. ninang, kapatid, kamag-aral
3. Anong uri ng anak si Dale?
A. maagap, matalino at malambing
B. magalang at mapagbigay
C. masayahin at palakaibigan
D. masipag, matulungin, at maka-Diyos
4. Ayon sa binasa, maliban sa nakagaganda sa paligid, ano pa ang magandang dulot ng pag-aalaga ng halaman?
A. pandagdag na dekorasyon
B. air purifier, libangan at maaaring pagkakitaan
C. pampalakas ng katawan
D. pandagdag na gawain
5. Paano nakatutulong si Dale sa kaniyang ina?
A. paglilinis ng bahay
B. pagluluto at paghahanda ng pagkain
C. paglilinis ng bakuran
D. pagtatanim at pagdidilig ng halaman


pa brainlest po

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.