Questions


October 2022 2 1 Report
Nasa panganib ang buhay ng inang magsisilang ng sanggoldahil sa dami ng dugong nawala sa kanya. Agad sinuri ang tipo ng kanyang dugo. Mabilis namang nakahanap ng kauring dugo at agarang isinalin sa ina. Subalit sa halip na bumuti ang kalagayan, ang ina ay hindi na nagising
hanggang sa namatay. Kaya, sila’y isinakdal ng mga kaanak ng biktima. Makalipas ang masusing paglilitis,…___________________________________________________________



2. Noon pa’y pangarap na ni Sheryn na maging isang tanyag na mang-aawit . Mahabang oras ang ginugugol niya arawaraw sa pagsasanay. Walang paligsahan sa pag-awit ang
kanyang pinalampas.Sinusunod niyang bawat payo ng mga tumutulong sa kanya para lalo pa siyang mahasa. Nagulat siya sa mga dumarami niyang tagahanga. Nang lumaon, napapanood na siya sa mga programa sa telebisyon. Sa ngayon…__________________________________________________

3. Nahigpit na bilin ni Aling Daisy kay Arnel na dumaan sa tindahan ng bulaklak bago siya umuwi mula sa paaralan. Ngunit ginabi si Arnel dahil nalibang ang kanyang grupo sa
paglalaro ng basketbol. Wala na siyang mabilhan ng bulaklak. Alam niyang mapapagalitan siya kapag umuwing walang dalang bulaklak. Biglang pumasok sa isip niya ang magandang halamanan sa kanilang paaralan. Dali-dali siyang bumalik at nagsimulang mamitas ng mga bulaklak. Walang anu-ano’y nakarinig siya ng sunud-sunod na pito. Agad dinala ng gwardya si Arnel sa opisina ng punungguro na noo’y abala sa mga gawain. Inamin niyang siya’y nagkasala
at humingi ng paumanhin. Gayon man…___________________________________________________________

4. Naglalakad si Ditas pauwi nang mapansin ang kuting na sunud nang sunod sa kanya. Mula noon, naging miyembro na ng pamilya ang kuting na tinawag na Frisky. Alagangalaga
ito ni Ditas. Laging malinis at busug si Frisky. Nanatili itong malambing hanggang sa naging ganap na itong pusa. Minsan , hindi dinatnan ni Ditas si Frisky sa bahay-bahayan
nito. Sa likod-bahay niya ito natugpuan na may kasamang isang barakong pusa. Makalipas ang ilang buwan nagsilang si Frisky ng tatlong kuting. Ngayon…
_________________________________________________________

5. Pyesta sa Barangay Maligaya.Tuwang-tuwa si Rico. Napakaraming pagkaing nakahain sa kanilang malaking mesa. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang isa-isa nang hinahanap ang mga paborito niya. Nang magsimula ang kainan, hindi makausap si Rico. Kumain siya nang kumain. Huminto lamang siya sa pagsubo nang makaramdam ng sobrang kabusugan. Dali-dali siyang tumakbo at nakipaglaro sa mga batang panauhin. Abala sa pagbibidahan ang mga
magulang nang marinig ang iyak ng isang bata. Nang labasin, nakita nila si Ricong namilipit sa sakit ng tiyan. Dahil sa karanasang ito, _________________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.