Magtanim Tayo
Oras ng asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan
ng mga mag-aaral sa ikaanim na baitang. Nasa loob sila ng silid-aralan.
Ganito ang sinabi ng guro nila.
"Mga bata sino-sino sa inyo ang marunong magtanim? Ngayong araw
ay tuturuan ko kayong magtanim at kung paano alagaan ang mga ito.
Doon sa bakanteng lupa sa likod ng ating silid-aralan gagawa tayo ng
Gulayan sa Paaralan. Dapat ninyong tandaan kailangang mag-ingat sa
paggamit ng mga kasangkapan sa pagtatanim."
Dinala ng guro sa halamanan ang mga bata. Itinuro niya ang
wastong lupa na tataniman ng iba't ibang uri ng gulay. “Dito kayo
magbubungkal ng lupa na siya ninyong tataniman. Bawat isa sa inyo ay
bibigyan ko ng sariling lugar. Ipinakita ng guro ang paggawa, "Ganito ang
pagbubungkal ng lupa.” Agad na sinunod ng mga bata. “Ganiyan nga ang
wastong pagbungkal ng lupa," ang sabi ng guro. Lahat ng mga mag-aaral
ay masasayang nagtutulungan sa ginagawa nila. Handa na ang taniman
at nagsimula na silang magtanim ng iba't ibang gulay.
1.Saan dinala ng guro ang mga mag aaral?
2.Sa anong asignatura kaugnay ang pagtatanim?
3.Sa inyong palagay,ano ang nararamdaman ng mga mag aaral habang ginagawa anb kanilang gawain?
4.Ano anong panghalip ang ginamit sa kuwento?
5.Kilalanin kung anong uri ng panghalip ang ginmit?
Answers & Comments
1.Dinala ng guro ang mga mag aaral sa ligod silid aralan kung saan ang halamanan.
2.Asignaturang edukasyong pantahanan.
3.Makakaramdam sila ng pagod pero mapapalitan ito ng kasiyahan dahil mayron kapalit ang kanilang paghihirap na ang kapalit ay ang halaman.
4.sila,nila,kayo,doon,tayo,ninyo,ganito,ganiyan.
5.panghalip na panao at panghalip na pananong.