Magtala ng mga kilalang tao mula sa iba’t ibang larangan na inilaan ang buhay sa kanilang kapwa ng buong puso at walang hinihinging kapalit. Itala ang kanilang mga naging kontribusyon.
Siya ay kinikilala bilang anak ng Diyos, Dakilang Guro at Manunubos. Noong nabuhay dito sa lupa si Jesus, iniukol niya ang kaniyang buhay sa paggawa sa kalooban ng Diyos.
Larangan: Manunubos
Nagawa: Tinuruan niya ang mga tao ng katotohanan tungkol sa Diyos sa loob ng tatlo at kalahating taon ng kaniyang ministeryo. Gumawa din siya ng ilang himala upang ipakita sa mga tao ang gagawin ng Diyos sa hinaharap tulad ng pagkabuhay muli ng mga patay, pagpapagaling ng maysakit at pagpapadami ng pagkain. Ang mga katangian din ni Jesus ang pinakamainam na halimbawa para sa atin tulad ng pagpapakumbaba, timbang ng pangmalas sa materyal, kabaitan, paggalang, at katapatan sa Diyos.
Bunga: Dahil sa kaniyang pagpapakita ng katapatan hanggang kamatayan, naging posible para sa lahat ng tao na matubos tayo sa ating minanang kasalanan (Roma 5:9,10) at magkaroon ng magandang kinabukasan sa malapit na hinaharap. Ang mga nagawa ni Jesus ay hindi kayang pantayan ng kahit na sinong tao.
William Tyndale
Si William Tyndale ay dalubhasa sa pag-aaral ng Griego at Latin.Isinilang siya sa Ingglatera, isang bansang nagsasalita ng wikang Ingles. Isa din siya ordenadong paring Romano Katoliko.
Larangan: Pagsasalin ng Bibliya
Nagawa: Naging layunin ni William Tyndale na maisalin ang Bibliya mula sa wikang Griego tungo sa wikang Ingles. Malaki ang kaniyang paniniwala na mas maiintindihan ng mga tao ang BIbliya kung ito ay nasa sarili nilang wika. Subalit ang layunin na ito ni Tyndale ay hindi sinang ayunan ng Simbahang Katoliko at hinatulan siya ng pagiging erehe. Kaya namuhay siyang nagtatago at tumatakas mula sa mga espiya ng simbahan.
Bunga: Ibinigay ni Tyndale ang kaniyang buhay para sa pribilehiyong maipagkaloob sa mga mamamayan ng Inglatera ang isang Bibliya na madali nilang mauunawaan sa sarili nilang wika.
Katerosal979
Ang Dios po ay nagkatawang tao, namuhay siya dito sa mundo nakaranas rin ng mga naranasan ng mga tao, ngunit Siya ay naiiba at walang makapapantay sa Kaniya. kahit na Siya'y nagkatawang-tao, Siya ay namuhay ng malinis at sumunod sa kalooban ng Ama... Siya ay ipinako sa krus, namatay at sa ikatlong araw ay nabuhay. Siya'y naparito sa lupa upang ialay ang Kanyang buhay pantubos sa mga kasalanang mayroon tayo. nawa'y kahabagan tayo ng Dios at makita ang katotohanan ng Kanyang Ebanghelyo na ito.
Answers & Comments
Verified answer
Mga Kilalang Tao at Kanilang Kontribusyon
Jesus Kristo
Siya ay kinikilala bilang anak ng Diyos, Dakilang Guro at Manunubos. Noong nabuhay dito sa lupa si Jesus, iniukol niya ang kaniyang buhay sa paggawa sa kalooban ng Diyos.
William Tyndale
Si William Tyndale ay dalubhasa sa pag-aaral ng Griego at Latin.Isinilang siya sa Ingglatera, isang bansang nagsasalita ng wikang Ingles. Isa din siya ordenadong paring Romano Katoliko.
Karagdagang kaalaman:
Mga kilalang tao sa brazil:brainly.ph/question/973205
Mga kilalang tao sa visaya: brainly.ph/question/1933689
Mga kilalang tao sa mindanao: brainly.ph/question/786716
#LetsStudy