Mabilis na itinabi ni Mang Ricardo ang mga panulat na gagamitin nilang mag-asawa. Inabisuhan kasi silang magdala ng sariling bolpen bilang pag-iingat na rin upang hindi magkahawaan ng virus kung mayroon man. Ang susuotin nilang face masks ay inihanda na kagabi ni Aling Anita upang hindi na makalimutan. Tumungo na sila sa Punang Elementry School, at kapansin- pansing nakapila nang maayos ang mga tao. Isang metro ang layo ng bawat isa sa pila. Kaagad kinuha ang kanilang temperatura. Hindi kasi sila pabobotohin kaagad kung lalampas sa 37.5º ang kanilang temperatura. Ang mataas na temperatura ay isa sa mga sintomas ng pagkakaroon ng COVID. Isinilid na rin nila sa kahon ang health declaration form na kanilang sinulatan, saka sila pumasok sa loob ng polling place upang buboto mamaya. Mga tanong 1. Ano ang gagawin ng mag-asawang Ricardo at Anita sa araw na iyon? 2. Paano gumising ang pamilya Santos? 3. Saan pupunta ang mag-asawang Ricardo at Anita upang bumoto? 4. Kailan inihanda ni Aling Anita ang susuoting face masks? 5. Ano-ano ang mga ginawa ng mag-asawa upang masunod ang mga pamantayang pangkalusugan. Gumising nang maaga ang pamilya Santos. Ang mga salitang may salungguhit ay sumasagot sa tanong na "PAANO isinagawa ang kilos." Pupunta sa paaralan ang mag-asawa upang bumoto. Sa ikalawang pangungusap naman, ang salitang may salungguhit ay sumasagot sa tanong na "SAAN gagawin ang kilos." Inihanda ni Aling Anita ang susuoting face mask kagabi.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.