Isagawa Gawain 7: Tulong ko ay Laan sa mga Nangangailangan Sagutin ang sumusunod na tanong. 1. May lumapit sa iyo na isang batang pulubi, alam mong gutom sya at hirap sa buhay bibigyan mo ba siya ng tulong? Bakit? 2. Nais mong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo sa kalapit bayan ninyo, kanino ka pupunta upang maihatid ang tulong mo? 3. May mga luma kang damit ngunit maayos pa at malinis. Ano ang maari mong gawin sa mga ito? 4. Ipamimigay ng Nanay mo ang luma mong mga laruan sa bahay ampunan upang may magamit na laruan ang mga bata na nakatira roon subalit ang mga ito ay paborito mo. Ano ang gagawin mo? 5. Nagkaroon ng malubhang sakit ang matalik mong kaibigan, sa paanong paraan mo siya matutulungan? 6. May nakita kang matandang maraming dalang gamit at hirap sa paglalakad, paano mo maipapakita ang pagmamalasakit mo sa matanda? 7. Narinig mong nanghihiram ng pera ang kapitbahay niyo sa nanay mo ngunit wala siyang naipahiram dahil naibayad na sa bill ng kuryente ninyo. May naipon kang pera galing sa baon mo. Ano ang gagawin mo? 8. Mahilig kang bumili ng bagong laruan, kadalasan nakatago lamang ito at di mo nagagamit dahil ayaw mong masira. Isang araw, pumasyal ang iyong pinsan at gusto nya itong hiramin upang laruan. Ano ang gagawin mo?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.