Questions


September 2022 2 1 Report
Maagang nagising si Nora para batiin ang ama sa kaarawan nito. Ipinagdiriwang ng kanyang ama ang ika- animnapu at lima na kaarawan. Maaga pa lang ay naghahanda na sila sa pagbabalot ng mga pagkain na ipamamahagi nila sa mga frontliners. Tumulong na rin si Nora sa pagbabalot. Napagkasunduan ng pamilya na ibahagi ang mga biyayang natanggap nila sa mga nangangailangan ng tulong bunsod na rin ng nararanasang pandemya ng bansa. Nagbahagi sila ng tulong sa kanilang baranggay at mga kapitbahay. Laking pasasalamat ng kanilang kapitan sa ipinaabot nilang tulong sa kanilang lugar. Namahagi rin sila ng tulong sa kapitbahay nilang dayuhan. "Nay bakit niyo po sila tinulungan? ang wika ni Nora." Sa panahon ngayon tayo ay dapat nagtutulungan, mayaman ka man o mahirap, dayuhan ka man o katutubo. Lahat tayo ay apektado ng pandemya kaya dapat lang na magtulungan at magkaisa, ang wika ni Aling Rosa


Sagutin ang mga sumusunod na tanong

1. Sino ang nagdiriwang ng kaarawan?

2. Sino ang batang tauhan sa kwento?

3. Ano ang panglan ng Nanay ni Nora?

4. Paano ipinakita ng pamilya ang pagtulong sa kapwa sa panahon ng pandemya?

5. Sinu-sino ang natulungan ng pamilya ni Nora?

6. Paano ipinakita ang pagtulong ni Nora sa pamilya?

7. Ano ang aral na natutunan ni Nora sa kanyang Nanay Rosa?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.