Questions


November 2022 1 4 Report
Gawain 2 Panuto: Ibigay ang paksa ng bawat talata.

1. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

2. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.

3. Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansyang prutas na nagtataglay ng Bitamina A at C? Ayon sa mga dalubhasa, and madalas na pagkain ng kamatis ay nakakatulong upang makaiwas sa kanser sa tiyan.

4. Saging ang pinakamasustansyang prutas na malaki ang naitutulong sa pagpapalaki ng kalamnan ng ating katawan. Marami ang nagsasabi na ang saging ay hindi prutas kundi isang uri ng “berry” ang puno nito ay itinuturing na isang uri ng “herb” Nagtataglay rin ito ng mga sustansyang tumutulong sa pagpapabilis ng pagbuo ng mga nasirang tisyu sa ating katawan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.