Lokasyon
Diyagona!
Direksiyon
Pakurba
Daanan
Paatras
Antas
Ilalim
Midyum
Likod
MELC
WTS
1. Ginagamit ito upang mailarawan ang lokasyon ng isang tao, bagay, o
lugar na nasa ibabang bahagi ng isa pang bagay, o lugar. Halimbawa ay ang bola na
nasa ilalim ng mesa.
2. Ito ay ang punto ng paggalaw papunta sa isang eksaktong lugar. Maaari
itong ilarawan sa pamamagitan ng pasulong, paatras, pakanan, o pakaliwa.
3. Ito ay ginagamit upang mailarawan ang isang kilos ng isang tao, hayop,
o bagay papunta sa kaniyang likuran sa pamamagitan ng paghakbang patalikod o pag-
atras. Halimbawa ay ang paggawa ng backpedal sa pagtakbo, o ang pag-atras ng isang
kotse.
4. Ito ay isa ding punto ng pagkilos o paggalaw papunta sa isang lugar.
Maaari itong pasulong o paatras pero sa ibang paraan.
5. Espasyo o plane naman ay may unti-unting pagtaas ng daanan.
Maaaring nakahilig o patikwas ang uri ng daanan.
6. Ito ay isang partikular na lugar o posisyon ng isang tao, bagay, o hayop.
Madalas na ginagamit ito sa paghahanap ng isang lugar tulad ng simbahan, parke,
palaruan, at iba pa.
7. Ito ay nahahati sa tatlong uri. Ang mababang antas o nibel, midyum o
katamtamang antas o nibel, at mataas na antas o nibel.
8. Ginagamit ito sa paglalarawan ng isang tao, bagay, hayop o lugar na
nakapwesto gawing likod o hulihan ng isa pang tao, hayop, bagay o lugar. Halimbawa sa
imahe ay ang bintana. Makikita na nasa likod o likuran ito ng mesa.
9. Ito ay pagkilos papunta sa isang lugar na may mga pakurba o puro
kurbadong daan.
10. Antas o nibel ay ang mga pagkilos na isinasagawa sa espasyo na
kanibel ng nasa gitnang parte ng ating katawan. Halimbawa ng mga kilos na ito ay ang
pagluhod o pag-upo.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.