l. Basahin ang maikling anekdota at Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.
lsang matandang may sakit sa balat ang sumakay sa dyip. Nang makita ng drayber ang mga sugat sa balat ng matanda, naisip niyang baka nakahahawa ang sakit na ito sa balat. Nang pababa na ang matanda, ipibahinto ang sasakyan at iniabot ang bayad pasahe.
"Huwag na po lola," ang sabi ng drayber. "Huwag naman amang. Naghahanap buhay ka rin," tugon ng palubi.
Nagpumilit ang matanda, pero natakot ang drayber na hawakan ang pera dahil baka mahawa siya. "Huwag na po kayong magbayad lola," sabi uli ng drayber. "Mas dapat kayong tulugan at kaawaan eh."
Natuwa ang matanda. Sabay yakap at pinahahalikan ang drayber sa Tues.
Tanong:
1. Sino ang dalawang tauhan sa anekdota? llarawan ang mga tauhan.
2. Bakit ayaw tanggapin ng drayber ang bayad ng matanda?
3. Bakit ipinagpipilitan ng matandang tanggapin ng drayber ang kaniyang bayad?
4. Paano ipinakita ng matanda ang kaniyang pasasalamat sa drayber?
5. Sang-ayon ka ba sa ipinakitang kilos ng drayber?Bakit?
Answers & Comments
Answer:
1. matandang babae at ang drayber
2. dahil may sakit sa balat ang matandang babae at natatakot sya na baka mahawa sya nito.
3. dahil alam ng matanda na naghahanap buhay din ang drayber at naawa sya rito. kaya ipinagpipilitan niya na tanggapin ang kanyang pera.
4.niyakap ng matandang babae ang drayber at pinahahalikan ang drayber sa tues.
5. Oo, kahit na ganon ang kanyang inasta ay alam ko na nagpapakita din sya ng pag rerespeto sa matandang babae at nag iingat lamang sya.