PERFORMANCE TASK NO.1 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO Pangalan Guro Iskor: Baitang/Seksyon Lagda ng Magulang: Sumulat ng isang tula o kanta na nagpapakita ng katapatan sa iyong magulang. Ang tula o kanta ay binubuo lamang ng tatlo o limang saknong(stanza).
Answers & Comments
Mahalaga ang katapatan sa pamilya
Sa hirap man at ginhawa, sa pagdurusa't saya
Hindi tatalikod sa prinsipyo't pagkakaisa
Hanggang kamatayan, patuloy na magmamahalan
Kayo ang dahilan ng aking hininga
Ako ay nabuo sa inyong kalinga
Pag-ibig na wagas totoo't dakila
Hinubog ang aking damdamin at diwa
Kaya naman ako'y may mga pangako
Mga utos at hiling ay susundin ko
Igagalang kayo at aalagaan
At mamahalin sa buong buhay ko
Salamat sa inyo, aking ama't ina
Sa walang niyong pagsuporta
Alay ko sa inyo ang buong katapatan
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga