Questions


August 2022 1 2 Report
ibebrainliest ko po kayo pag naka tama

1. Ang ______________________________ ay tumutukoy sa pagbibigay-halaga sa mga bagay

na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng tao at sa mga

bagay na maituturing lamang ng rangya o luho.

a. pambuhay na halaga

b. pandamdam na mga halaga

c. ispiritwal na halaga

d. banal na halaga

2. Ang pagpapaunlad ng kaalaman/karunungan na siyang gawai ng ating isip ay

makakamit sa pamamagitan ng paghubog ng _________________.

a. Intelektwal na birtud

b. Moral na birtud

c. Ispiritwal na birtud
d. Sosyal na birtud

3. Ang mga sumusunod ay mga uri ng ispiritwal na halaga ayon kay Max Scheler,

maliban sa:

a. Pagpapahalaga sa katarungan

b. Pagpapahalagang pangkagandahan

c. Pagpapahalaga sa ganap na pagkilala sa katotohanan

d. Pagpapahalaga sa katiwasayan ng damdamin at isipan

4. Ang pera ay nakapagbibigay ng saya sa tao ngunit maraming tao na maraming

pera ngunit naghahanap pa rin ng ibang bagay na mas makapagpapasaya sa

kanila. Sa paglipas ng panahon mahihinuha nila na ang pagkakaroon ng buong

pamilya at mga tapat na kaibigan pala ang tunay na makapagpapasaya sa

kanya. Ang halimbawang ito ay patunay sa anong katangian ng mataas na antas

ng halaga?

a. Habang tumatagal ang halaga, mas tumataas ang antas nito

b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay lumilikha ng iba pang mga

halaga

c. Mas malalim ang kasiyahan na nadama sa pagkamit ng halaga, mas

mataas ang antas nito

d. Mas mahirap mabawasan ang kalidad ng halaga kahit pa dumarami ang

nagtataglay nito, mas mataas ang antas nito

5. Tinawag na “ordo amoris” o order of the heart ang Hirarkiya ng Halaga dahil:

a. Ang puso ng tao ang unang dapat na pairalin sa pamimili ng pahahalagahan at hindi

kailanman ang isip

b. Ang puso ng tao ay kayang magbigay ng kanyang sariling katwiran na maaaring hindi

mauunawaan ng isip.

c. Ang puso ng tao ang may kakayahang magpahalaga sa mga bagay na tunay na

makabuluhan samantalang ang isip ay nagpapahalaga lamang sa mga bagay na panandalian.

d. Lahat ng nabanggit

6. Si Renato ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa maagang pag-aasawa. Dahil sa

ganitong kalagayan labis ang suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga magulang

na naninirahan na sa ibang bansa. Dahil dito naniniwala siya na hindi na niya kailangan

magtrabaho. Wala siyang ginagawa kundi ang lumabas kasama ang kanyang mga kaibigan,

uminom at magsugal. Nasa anong antas ang halaga ni Renato.

a. Pambuhay na halaga

b. Pandamdam na halaga
c. ispiritwal na halaga

d. banal na halaga

7. Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Henry, pinili niyang ilaan ang kanyang panahon para

sa pagtulong sa mga batang lansangan. Ipinagkatiwala niya ang

kanyang negosyo sa mga taong kanyang pinagkakatiwalaan at ibinabahagi niya ang kanyang

yaman sa mga batang kanyang tinutulungan. Nakahanda siyang laging tumugon sa kagustuhan

ng Diyos na maglingkod sa kapwa na walang hinihintay na ano mang kapalit. Nasa anong antas

ang halaga ni Henry?

a. Pambuhay na halaga

b. Pandamdam na halaga

c. ispiritwal na halaga

d. banal na halaga

8. Ito ay halagang may kinalaman sa mabuting kalagayan ng buhay. Pinahahalagahan ito

upang masiguro niya ang kanyang kaayusan at mabuting kalagayan.

a. Pambuhay na halaga

b. Pandamdam na halaga

c. ispiritwal na halaga

d. banal na halaga

9. Ang mga sumusunod ay katangian ng mataas na antas ng halaga maliban sa:

a. Mataas ang antas ng halaga kung tumatagal at hindi nababago ng panahon

b. Mataas ang antas ng halaga kung ito ay nagiging batayan ng iba pang halaga

c. Mataas antas ng halaga kung ito ay nakabatay sa organismong nakararamdam nito.

d. Kahit dumadami pa ang nagtataglay ng halaga mahirap pa ring mabawasan ang kalidad nito

10. Walang ibang hinangad si Charmaine kundi ang makamit ang kakuntentuhan sa buhay. Sa

panahon na labis na ang kanyang pagkapagod sa trabaho, naglalaan

siya ng panahon upang magbakasyon upang makapagpahinga. Lagi niyang binabantayan ang

kanyang pagkain na kinakain upang masiguro na napananatili

niyang malusog ang kanyang pangangatawan. Nasa anong anta sang halaga ni Charmaine?

a. Pambuhay na halaga

b. Pandamdam na halaga

c. ispiritwal na halaga

d. banal na halaga

11. Sumulat ng Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga.
a. Max Scheler

b. Macs Scheler

c. Mads Scheler

d. Man Scheler

12. Ang kauna-unahang bulag na mag-aaral ng Ateneo University na nakakuha ng

pinakamataas na karangalan sa kursong BS Mathematics.

a. Roselle Nave

b. Roselle Ambubuyog

c. Roselle Naig

d. Roselle Alvarez

13. Ilan ang katangian ng mataas na pagpapahalag?

a. apat

b. pito

c.lima

d. anim

14. hindi kabilang sa Hirarkiya ng Pagpapahalaga

a. Pambuhay na Pagpapahalaga

b. Pandamdam na mga Pagpapahalaga

c. Banal na Pagpapahalaga

d. Pagdamay na Pagpapahalaga

15. Sino si Manuel Dy?

a. Ang sumulat ng aklat na Problems of a Sociology of Knowledge

b. Ang nagsabi na ang moral na kilos ay nagaganap kung ang isang tao ay pumipili ng isang

pagpapahalaga kapalit ng iba pang mga pagpapahalaga.


Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.