Questions


September 2022 1 3 Report
Isan Pinay, Bilang Environmental Hero
Isang retiradong siyentipikong Pilipino ang nagbigay ng
karangalang sa bansa matapos siyang malathala sa Time Magazine
bilang isa sa “Heroes of the Environment” (Mga Bayani ng Kalikasan).
Si Jurgene Primavera, naninirahan sa Iloilo ay senior scientist sa
Souteast Asian Fisheries and Development Center (SEAFDEC)
hanggang sa siya ay magretiro noong taong 2006. Sinabi ni
Primavera sa isang panayam na natutuwa siya na inilathala siya ng
Time Magazine sapagkat ito ay magdadala sa kaniyang kampanya na
may malawak na audience.
“Hindi ito para sa akin. Ito ay para sa mga bakawan
(mangroves)”, sabi niya.
Isa si Primavera sa 30 grupo ng mga tao, na binubuo ng mga
aktibista, siyentipiko, mga tanyag na tao, imbentor at mananalapi sa
buong mundo na pinarangalan dahil sa kontribusyon sa
pangangalaga at pagprotekta ng kalikasan.
Hindi nila malulutas mag isa ang suliranin sa climate change o
endangered species. Subalit dahil sa kanilang mga halimbawa, ang
kanilang kusang pag aalay ng kanilang sarili sa bagay na sinasabi
nilang “hopeless case” ang mga bayani ng kalikasan ay nagbigay ng
ilaw sa dilim”ayon din sa ulat ng Time Magazine.
May ulat ayong sa pamahalaan na mayroon na lamang 120,000
ektarya ng bakawan sa Pilipinas. Bumaba ito mula 500,000 na
ektarya noong 1990.

Basahing ang mga tanong at ilagay ang sagot sa patlang.
1. Sinong Pilipino ang pinarangalan bilang Heroes of Environment?
___________________________________________
2. Paano ipinakita ni Jurgenne Primavera na karapat-dapat siya sa
ilang isa sa mga “Heroes of the Environment”?
_________________________________________________
3. Sa iyong palagay anong kabutihang maidudulot sa pangangalaga
at wastong paggamit ng ating mga bakawan? Bakit?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.